Syete (7)

117K 1.1K 78
                                    

 SYETE.

Grabe. Di ko namalayang 3 weeks na pala naming amo si James. Ang bilis ng panahon! Kasing bilis ngbakasyon sabi ni author. Harhar. Well, as usual.. hindi buo ang araw ni James hangga’t di niya ako naiinis. Sabi nga ng mga ktrabaho ko, ang sweet daw namin. Duh? Anung sweet dun?

Sabihan ka ba namang ‘engot’ sa harap ng iba tapos tatawa pa siya? SWEET ba yon?! Sabihin niyo nga? Kadiri. Nababawasan pogi points niya pag nang-aasar siya. Tapos, lagi pa akong hinahanapan ng butas ni James para lang mapagalitan. Naku! Kung di lang ako umaasa sa trabaho na to, baka nagresign na ko.

Minsan, pag umo-order siya ng pagkain, gusto niya ako lagi ang naghahatid sa kanya. Ano ako? Personal yaya? Personal Alalay?! Badtrip lang. Ewan ko ba kung ano’ng tumatakbo sa isip ng lalaking yun at kumukulo ang dugo sakin! Wala naman akong ginagawa eh… Ampupu.

“Gaga, di mo ba gets! Pag ang lalaki lagi kang inaasar…parang BANGKO lang yan eh.. may INTERES siya sayo!”

Sabi ni Wendy habang pangiti-ngiti pa. Kinukunsinte niya pa si James eh. Kaibigan ko ba to?! Naglalakad na kasi kaming dalawa ni Wendy pauwi dahil kakatapos lang ng shift namin. 8:30-2:30 ang shift namin eh.. and yung iba, sa panggabi na. Naikwento ko sa kanya na naiirita na ako kay James kaya iyan ang sinagot niya. >.<

“Eh baka AYAW niya sakin bilang worker sa restaurant niya kaya lagi niyang sinisira araw ko? Eh lagi naman ganun ugali niya eh!” Pagalit na sabi ko habang sinisipsip ang softdrink.

"AYAW? Eh bakit di ka niya tinaggal sa trabaho? Eh di sana dati pa lang tinanggal ka na niya. So, May gusto siya sayyoooo~~~ Waahhhh! Ang haba ng hair mo bakla!” Hindi naman halatang kinikilig si Wendy habang nagsasalita. Nauna pang magblush siya kesa sakin.

“Tange. Di mo ba naisip? Kaya niya ginawa yun kasi.. kasi.. pag nagtrabaho pa ako, mas madadalian siyang pahirapan ako!”

Totoo naman eh. Kala niya di ko halata. UTOT niya nuh. Wag kang mag-alala Jennifer! Makakaganti ka rin. Hahahaha =)

Pag-uwi ko sa bahay… natulog muna ako. Nakaka-stress eh. Then, naalimpungatan ako bigla at nagising ako ng 7:45. Nagluto na ako ng lalamunin ko. LAMON?! Hahaha. Napansin ko lang… bakit kaya walang nagtetext sakin? Hindi ko naririnig yung cellphone ko na nagring? Kinalkal ko yung bag ko. WALA. Ay pota. Nadukutan ba ako?! Anu ba yan! China phone na nga lang yun eh! Nanakawin pa! Sinadya ko talagang China phone.. kasi... ilang beses na akong nahold-up!

Hinanap ko ang cellphone ko kung saan-saan sa bahay pero wala akong nakita. Ano ba yan, may mahahalagang contacts pa naman dun.. Teka, baka naiwan sa resto? Jennifer.. isip.. isip.. isip.. Tanga mo naman! Saan mo ba kasi nilagay!?

“Ah ! Sa Storage room!” Nasambit ko bigla na para bang may bombilya na lumitaw sa ulo ko. Hahaha!

Tumingin ako sa relo, malapit na magsara yung resto.. aabutan ko pa kaya? Hassle naman! Pucha. Dali-dali akong lumabas ng bahay at buti ay nakapantalon ako at tshirt. Naghanap agad ako ng jeep. Kahit na masikip.. hala sige! SIKSIK mo sarili mo Jennifer.

Home Sweet Home [Book 1 & 2 PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon