46: It's Kathy not Kathryn

473 20 3
                                    

Xinon's.

"Dad, are you ready?" Tanong ko kay daddy na kanina pa nakatingin sa bahay nina ate Kathy. 

Tumango siya. "Oo," 

"Pa, baka naman nabibigla ka lang. Okay lang naman saakin kahit na ayaw mo—"

He cut me off. "We're already here. In fact, I really want to know if she's really your mother"

Hindi na ako nagsalita pa. Hinayaan ko nalang siya. Kumatok kami sa gate nila at lumabas agad yung babaeng humarang saamin nung pumunta kami dito. Nagsasalubong na naman yung kilay na niya.

Nasa likod ako ni papa dahil alam kong namumukhaan ako nitong babaeng to.

"Anong kailangan niyo?" Saad ng babae. "Sino na naman kayo? At ikaw, lalake? Bat bumalik ka pa dito?" Dagdag niya.

Hindi lang ako nagsalita.

"Magandang araw po. Ako po pala si Daniel. Anak ko ho yung napunta dito dati. Si Xinon ho, tapos ito naman po isa ko pang anak, si Jenisha" Hindi nagsalita yung babae at binuksan niya ang gate.

"Si Kathy ba ang kailangan niyo?"

"Oho. Andyan ho ba siya? Pwedeng makausap?"

Naningkit ang mata ng babae at tinuro ako. Bat na naman ako? Wala naman akong ginagawa ah. Kumunot ang noo ko. "Po?" Biglang sabi ko.

"Isa lang ang pwedeng pumasok. Si Daniel nalang siguro ang papasok,"

"What?!" Biglang sigaw ni Jenisha. "Bat si daddy lang?! Bat hindi kami pwede?! No way! Daddy! Sama ako sa loob"

I gritted my teeth. "Oo nga! Sino ka ba? Ka ano ano mo si ate Kathy? Taga bantay ka lang naman siguro dito e,"

Hindi siya nagsalita pero ang sama ng tingin niya saakin. She move her head as a sign na pumasok na kami. Akala mo naman kasi kung sino e. Kung maka asta akala mo kung ang taas ng position niya dito sa bahay e taga bantay lang din naman.

Kumatok ako. "Ate Kathy? Si Xinon po ito," Ilang katok bago niya binuksan yung pinto. Biglang nawala yung ngiti niya nang makita niya si daddy. Titig na titig siya kay daddy. Bigla naman akong hinila ni Jenisha.

"Wow! Kamukhang kamukha niya talaga si mama! Walang halong biro,"

I smirked. "I told you" then I bit my lower lip. "Kayo lang naman ni papa ang ayaw maniwala saakin. Sinabi mo pang paasa ako" ngumuso ako pagtapos kong sabihin yun sa kanya.

"Ay! Petmalu lodi si kuya oh! Hahahaha asar" umiling siya at dumako na kina papa. Nag-usap na ba sila? Feeling ko wala pa e.

"Ate Kathy?" Sabi ko. Napalingon siya at napangiti. "Daddy ko po. Si Jenisha naman po, kapatid ko"

Tumango si ate Kathy. "Ay sige. Um, Xinon? Pwede bang mag-usap muna tayo saglit? Pero pwede nang pumasok yung tatay at kapatid mo sa loob," Kinausap ko sila na pumasok na. Pero ang sabi ko mag behave. Madali lang naman kaming mag-usap ni ate Kathy. Kung maka ate naman ako e no? E, syempre ganun talaga.

Lumayo muna kami sa kanila. "Ano ho yun, ate Kathy?"

"Mm. Ano, bat ano"

"Ano po?"

"Bat ganun? Ano, ah. Ang gwapo nung ano, nung tatay mo" Tapos napatakip siya ng bibig niya. Nanlaki ang mata ko at nagpipigil ng tawa. Akala ko pa naman kung anong pag-uusapan namin e. Yung tatay ko lang pala.

Tumawa ako ng onti at tinap yung balikat niya.
"Hehehe. Gwapo naman po tatay ko," then napakamot ako sa batok. Ito na ba ang signs?

"Sikreto lang natin to, Xinon. Makakaasa ba ako sayo?"

HI, I LOVE YOU! (BOOK 3) |FINISHED|Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu