6: Chance

831 23 7
                                    

Hindi ako pumasok sa klase ko ngayong umaga. Tinatamad ako, kaklase ko si Xinon sa first 3 subjects. And I don't want to see him, lalo na si Calvin. Pati na rin si Trevor, ewan ko. Sinabi ko na masama ang pakiramdam ko kahit hindi naman. Ayaw ko lang talaga pumasok. 


*tok tok tok* 


"Lianne?" Boses ni mama yun, kaya tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. "Po ma?" 


She took a deep sigh. 

"Uhm, nanjan pala sa baba yung bisita mo" 



Kumunot agad ang noo ko. Bisita na naman? 

Parang nung isang araw lang may bisita rin ako ah? 


"Sino daw po?" 


"Trevor daw eh," 


Halos lumuwa ang mata ko at halos mapantig ang tenga ko sa narinig ko.

S-si Trevor? Nandito? Diba may klase yun? 



"Pardon ma?" Gusto ko lang marinig ulit. Baka nagkamali lang ako ng dinig eh. May klase yun! Hindi yun basta basta nag eescape! 


"Trevor nga. Dalian mo na jan" Tapos umalis na si mama. OMG! Si Trevor nga! Parang nung isang araw si Calvin at Xinon, tapos ngayon si Trevor? Sinong susunod? 


Kinakabahan ako! 

Hindi nga ako pumasok kasi ayaw ko silang makita. 

Pero itong isa naman, pumunta dito sa bahay! 


Nag ayos ako ng onti at saka lumabas.

Nakaligo na 'ko uy! Baka aakalain niyo jan. 



Nang mahagilap ng mata ko si Trevor, yung puso ko grabe. 

I don't know what to react. Seriously. 

Kinakabahan talaga ako. 



"Hi, Lianne" Tapos bumigay siya ng isang masiglang ngiti tapos iniabot niya saakin ang bulaklak na dala niya. Agad naman akong nag thank you sa kanya. Pinaupo ko siya sa sofa, uhm. 



*gulp* "S-so, a-anong gusto mo? J-juice? T-tubig? C-coffee?" Shit! Stuttering is real! 



Ngumiti siya. 

"Thank you, but I'm okay" 


Tumango ako at yumuko. Uhm, okay? awkward? 

Nasabi ba ni Xinon yung ginawa nila ni Calvin dito? 


Hindi ko alam kung kaya kong gawin yung favor ni Xinon. 


HI, I LOVE YOU! (BOOK 3) |FINISHED|Where stories live. Discover now