10: I'm sorry

889 23 2
                                    

Xinon's POV.



Hindi ako nakapag study ng maayos. To be honest. Walang pumapasok sa isip ko e, yung nangyari ang pumapasok sa isip ko. Di ko nga ma gets e! Bat ganon? Hindi ko naman siya gusto o mahal o crush. Pero hindi ko makalimutan yung nangyari. 


Alam ko na mali to. Sarili kong best friend yung tina traydor ko. 

Mali talaga to. Pero bakit ganito? Bakit ganito yung feeling ko? 



"Mr. Xinon Zander Padilla! Why you are not answering?! Nauubos na oras mo sa kakaisip dyan! Lutang ka ba? You have 50 minutes left. Masyadong mahirap yung exam kaya wag kang kumalma lang dyan!" 



Lahat ng mga kaklase ko, napatingin saakin. Including her. 

Nilibot ko ang tingin ko at ngumiti ng peke. "I'm sorry," tapos yumuko ako at sumagot na. 


Fvck! I can't concentrate. 

Bahala na. 




"Time's up! Pens down. Pass your papers and you may go" Shit! Hindi ko alam kung tama ba yung sagot ko. Pagkapasa ko ng papel ay lumabas na agad ako. Ayoko nang tumagal pa dito. Di ko kakayanin. 



May 20 minutes free time kami bago ang next na subject. So may time pa kong mag study. Pero makaka study ba talaga ako ng maayos? Nakarating ako dito sa may lounge umupo ako at ako lang mag isa. I want to be alone.  



"Don't leave me please. Don't" I know, double meaning yung sinasabi niya ngayon.



I hug her back and massage her back again.

"Hush, don't worry. I won't" 


Bigla akong napatingin sa malayo. Ano yun?! Bat naaalala ko na naman?  

Kelan ba yun mawawala sa isipan ko?! 



"Dude," Napatingin ako sa gilid ko. Si Trevor at si Lianne. Napatagal yung titig ko kay Lianne. Shit! Hindi pwede to. Naaalala ko lang yun okay? Wala akong feelings sa kanya. TAPOS! 



"Ahem!" Natauhan ako sa biglang pag ubo ni Trevor. Iniwas ko agad ang tingin ko. Binaling ko ulit yung tingin ko sa notes ko. "Shit." I cussed under my breath. 



Umupo sila sa harapan ko. "Makatingin naman sa mahal ko," he uttered. Hindi ko nalang yun pinansin at sinusubukan kong mag concentrate. Bat ba ko ganito? Mali to, Xinon. Mali. Si Yeni diba gusto mo? Si Yeni, hindi si Lianne. 



"Ah Xinon, yung notes ko sa english?" Bigla akong napatingin kay Lianne at nakita kong ngumingiti siya. Okay damn this! Kinuha ko sa bag ko yung notes niya at binalik sa kanya. "Uh, thanks" sabi ko. 

HI, I LOVE YOU! (BOOK 3) |FINISHED|Where stories live. Discover now