Chapter 26: The Best Day

2.3K 50 20
                                    

Chapter 26: The Best Day

Months passed, days passed.. February na ulit. Nakalipas na naman ang isang taon. I hope that this year will be a good one unlike last year na puro misunderstandings at heartaches ang dala. Haaayy, ayoko nang maulit pa yun. Buti nalang at nakalimutan ko na lahat, and atlast nakamove-on na ako sa kanya.  

Si Mark? Hindi na kami gaanong nagpapansinan ngayon. Siguro natanim na sa utak nya yung mga sinabi ko sa kanya na layuan na nya ako. Hindi na nga din sya nagtetext sakin ehh, kaya binura ko na number nya. Hindi naman sa nagiging bitter ako, pero alam kong yun yung makakabuti sakin para makalimutan sya.

Hindi nya din ako masisisi kung bakit ako lumayo sa kanya. Hindi dahil meron na syang kapalit noon sa puso ko, kundi nakakapagod din pala magmahal ng tapat sa taong di naman pala karapat-dapat. Ang tagal ko din bago nagawang kalimutan sya. Ang hirap kaya kalimutan ang first love lalo na't may kasabihang "First love never dies". 

Oo, hanggang ngayon mahalaga parin sya sakin pero as a friend nalang. Nawala na yung dating pagmamahal ko sa kanya. Sinayang nya kasi ehh, nagpakamanhid sya. Pero wala akong magagawa, manhid yung tao ehh. :l

Si Jeff? Ayun, halos kilala na namin ang isa't-isa. Magbestfriends kami ngayon at kasama na sya sa grupo namin. Minsan nga napagkakamalan syang bakla kasi puro mga babae kasama nya, pero hinahayaan nya na lang yun. Sanay naman na daw sya ehh.. pero pinagtatanggol padin namin yan sa mga nang-aasar sa kanya. Inggit lang sila kasi hindi sila kasing-gwapo ni Jeff hahahah!

This time, lalong lumalim yung feelings ko para sa kanya. Ang hirap kasing pigilan ehh.. lalo na't yung isang tao lalong napapalapit sayo. Like what I've said, bestfriends kami. BESTFRIENDS, ang tingin samin ng iba. Pero para saming dalawa ni Jeff, special kami sa isa't-isa.

Alam nyo naman siguro yun diba? Nasa ibang stage na kami. Alam nyo yung M.U? Yun, nandun na kami. ^_________^

Buti nalang at nandyan si Jeff. Ngayon ko lang kasi naramdaman na may nagmamahal sakin at kayang maghintay para sakin. Yup, he courted me pero sabi ko it's better kung magstay na muna kami sa ganitong stage para sigurado. Sinabi naman nya na kaya nya akong hintayin. Iba na ang sigurado nuh? Para hindi na masaktan pa sa huli. 

Pero kung pagkukumparahin nyo sila Jeff at Mark, talagang magkaibang-magkaiba sila. Ang dami din nilang difference.. napakarami. Kung tutuusin nga, mas pinaramdam sakin ni Jeff na mahal nya ako at special ako sa kanya. Ehh si Mark? Wala. Hindi nya naiparamdam yun sakin. Sa bagay, wala naman talaga syang feelings para sakin ehh. Manhid lang talaga sya. :l

Haayy. Tama na ang pag-iisip sa kanilang dalawa. Basta ngayon, masaya ako dahil may isang "Jeff" na dumating sa buhay ko. ^_______^

Andito ako ngayon sa room namin at kasalukuyang (ang lalim hahahah!) nagdidikit ng mga heart-shaped papers sa pader. Valentines Day na kasi ngayon kaya kailangan pagandahin namin 'tong room namin para bongga! Hahahah! As usual, may program na namin kami mamaya.  

Lagi naman ehh, hindi kami nawawalan ng celebration tuwing Valentines Day. Pero sa tuwing sasapit yung February 14, lagi akong may naaalala. Alaalang masaklap na nangyari sakin last year. (see chapter 9)

Whew. Sana hindi na maulit yun sakin.. (_ _)

Ako: Teka lang guys ah? Tapon ko lang muna 'to sa cr. Wala tayong trashcan sa labas ehh..

Mia: Sige Lia. Balik ka kagad dito ah? Mag gagawin pa tayo.

Ako: Sige, sure..

Pinulot ko na lahat ng kalat saka nilagay sa isang malaking plastic. Bumaba na ako para pumunta ng cr, wala kasing basurahan dun sa gilid ng classroom namin ehh. Habang naglalakad, may isang batang lalaki na lumapit sakin at may hawak na isang red rose..

Si First Love, Ang First Heartbreak Ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon