Chapter 25: Transferee

2.3K 41 7
                                    

Chapter 25: Transferee

Ang bilis talaga ng panahon nuh? Isang linggo nalang kasi, back to school na ulit. Sunugan na naman ng kilay, babalik ulit si stress at sasagana na naman ng eyebags. Haayyy.. -_____- 

Sophomore student na rin pala ako sa pasukan. Sana magkakaklase padin kaming magkakaibigan para masaya hahahah! Hindi pa nga ako ready pumasok ehh.. ewan ko ba? Parang tinatamad pa ako. Siguro masyado ko lang na-enjoy yung summer kaya ganito nasasabi ko.

Ayun, ganun padin, wala pading pinagbago, nababagot na naman ako dito sa bahay. Halos wala na naman akong magawa. Umalis kasi si Mommy, pumunta sya ng Palawan. Si Daddy naman, bumalik na ng Singapore. Ang daya nga ehh, gusto ko sanang sumama kay Mom sa Palawan kaso wag na daw kasi magpapasukan na. 

Haaaay. Sayang, gusto ko pa naman puntahan yung Underground River nila dun. Di bale, mag-iipon nalang ako para pag nag-summer ulit, dun na kami pupunta. ^______^

This time, hindi na ako mag-isa sa bahay. Dumating na kasi sila Manang at Kuya Ben dito galing sa bakasyon. Buti nalang may kasama na ako dito, ayoko kasing mag-isa dito. Alam nyo naman siguro kung bakit diba? At ayoko nang maulit yun.

Andito ako ngayon sa kwarto ko. Walang ginagawa at nakahiga sa kama. Okay lang naman siguro na makatulog ako, wala naman akong ginagawa ehh. Bumuntong-hininga ako at ipinikit ko mga mata ko..

*beep beep*

Himala. May nagtext sakin. Kanina pa kasi tahimik inbox ko ehh. Teka, sino ba 'to?

*tingin sa phone*

From: Jeff

Hi Lia! May ginagawa kba? Okay lang ba kung mag-online ka kahit sandali lng? Chat tayo. Pls? :)

DUG DUG.

DUG DUG.

DUG DUG.

Aiish! Yung puso ko umeepal na naman. >_____< Bakit ba kasi ganito lagi nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko pangalan ni Jeff? Simple lang. Crush mo yung tao diba? Nakoo naman Lia! Nababaliw kana. -____-

Pano yan? Pinapag-online nya ako. Hmm, sige na nga.. miss ko nadin naman si Superman ehh. :"> Yup. Nakakapag-communicate na kami sa isa't-isa. Kung dati pa-fb'fb lang kami, ngayon pati sa cellphone na.  

Binigay ko na kasi yung cellphone number ko sa kanya at sa tingin ko, yun na yung right time. Medyo kilala na namin ang isa't-isa, kumbaga nasa "getting-to-know-each-other" stage palang kami.

Hanggang ngayon crush ko padin sya. Everytime kasi na magkakatext kami o magkakachat, hindi naaalis yung pagiging thoughtful at pagiging masayahin nya. Minsan nga, nagconfess sya sakin na gusto nya ako.. pero ako? syempre, di na muna ako umamin.  

Sa ngayon, kaibigan lang muna ang tingin ko sa kanya. Alam nyo naman diba? Mahirap na.. mahirap nang umasa at magkamali ulit. Kailangan ko pa kasi syang makilala ng husto. At pag nakilala ko na sya ng husto, siguro pwede na..

Dahil nga sa nakakapag-communicate na kami, mas lalo pa kaming naging close sa isa't-isa. Pati nga sa barkada ehh, napapalapit nadin sya. Nabansagan nga syang "Guy Bestfriend" ko kasi nga hindi kami nawawalan ng araw na hndi kami nakakapagtext o nakakapag-usap. 

Ang weird nuh? Hahahah. Sabi nga nila Mommy at Daddy boto daw sila kay Jeff PERO wag daw muna ngayon. May gatas pa daw kasi ako sa labi, in short I'm too young for that relationship.

Since nagtext nga sakin 'tong si Superman at pinag-oonline ako, kinuha ko na yung laptop at nag-online. ^_____^

- - - -

Si First Love, Ang First Heartbreak Ko...Where stories live. Discover now