"Mhelanie is my wife," kapagkuwa'y sabi nito.
"Your wife? Kailan ka ikinasal? So wala na talaga kayo ni Harper?"
Ang karelasyon nito ay si Harper Santibanez, isang sikat na artista. Kaka-announce lang ng engagement ng dalawa, pero may tsismis na cancel na raw iyon at hiwalay na ang dalawa. Ayon kay Alford ay may kinahuhumalingang ibang babae ang pinsan niya but since hindi siya interesado sa love life ng iba dahil may sarili rin siyang problema kaya hindi na rin siya nagtatanong pa.
"You are so outdated about family matter. Self-centered ka kasi, eh." Si Leila na sinabayan ng tawa. She rolled her eyes.
"I'm not self-centered, I'm just loving myself. And I'm not interested about family's drama. Magkaka-wrinkles lang ako. Look at you, you look haggard. You looked twenty years older than your actual age. Kaya huwag kang magtaka kung magahanap ng mas bata 'yan si Kuya Charlie."
Her sister is twenty-eight, and she was just kidding. Maganda ito. Pero kapag nasa bahay lang nila ito ay hindi nag-aayos at nanay na nanay talaga. A pretty mom.
Napaigik si Lyca nang abutin siya ng kapatid at kurutin sa tagiliran.
"Sobra ka!""Mommy, that's bad. Don't hurt tata." Saway ni Kira sa ina. Her niece and nephews called her tata-- it means tita.
"Bad si mommy 'no, Kira?" Paawa niyang sabi at pasimpleng dinilaan ang kapatid.
"Parang bata ka talaga! Mabuti, Alford, hindi mo naisipang isuli ang brat na 'to? Kapag hindi mo na kinaya ang ugali pakiligaw na lang kasama ang pusa niya, ah."
Nagkatawan lang ang mga nasa hapagkainan sa birong iyon ni Leila.
"Hindi niya gagawin 'yon. Magaling ako."
"Magaling naman saan?" Nakataas-kilay na tanong ng kapatid. Naghahamon. Eh, wala naman kasi siyang alam kung gawaing bahay ang pag-uusapan. Pero magaling siya sa isang bagay. Pinalapit niya ang kapatid at dumukwang siya rito saka bumulong.
"Magaling akong magmasahe. . . Tumitirik mata ng asawa ko kapag minamasahe ko ang prostate at balls niya."
"Yuck!" Itinulak siya ng kapatid at halos masamid ito kakatawa. Hala! Kung maka yuck akala mo virgin. Binalingan niya si Alford.
"'Di ba, giliw ko, you like my massage?"
"Ha?" Alanganing ngumiti si Alford at pasimpleng bumulong.
"Never mo pa akong mi-nas-sage." Inilapit niya ang bibig sa tainga nito.
"I massaged your prostate, remember?" Nanglaki ang mata ni Alford at buong pagpipigil na bumulalas ng tawa.
"Fuck, yeah! You have magical hands." He whispered as he let out a subtle chuckle.
"I'm so happy to see you both like that. Mukhang nagkakasundo na kayo." Ang kanyang ina na may ngiti sa labi habang nakatingin sa kanila ni Alford.
"Mabait naman po si Lyca. Kailangan lang po talagang makuha ang tamang kiliti."
HABANG nakaupo sa sala at nakikipagtawanan kay Alford, Tres at sa bayaw niya ay hinila siya ni Leila palayo sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Fatal Attraction 1: Down And Dirty (Published Under Red Room)
General FictionLYCA fucked up Alford's reputation, and Alford did the same to her life. It's too late when she realised that she messed with the wrong person. Malay ba niyang gaganti ang lalaki sa ginawa niyang kalokohan dito...
Chapter 19
Magsimula sa umpisa