"Ayaw mo 'nun. Makaka- rounds kana." Mapang-asar na sabi niya sa akin at nginisihan ako kalaunan. Siya kaya rumounds sa babaeng 'yun. Pinagtutulakan pa sa akin, e ayaw ko nga.

"Punyeta tumahimik ka nga diyan!" Saan bang lugar na makakarelax ako? Bwisit! Ang daming asungot. Napatingin ako sa kaliwang banda ng may marinig kami ni Bryan na sumisigaw at pamilyar ang boses niya. Tumakbo ito papalapit sa amin at si Josh pala nabading na naman ang loko. Kung makasigaw parang lalaking ginahasa ang walangya.

"Wahhh----" Sigaw ni Josh na hingal na hingal na umupo.

"Sinong aso ang humabol sayo? At parang naulol ka." Tanong ko. Mukha siyang baliw na ginahasa lalo na't nakabukas ang batones ng damit niya.

"Beer, muna!" Hingi niya, inabot ko naman ang baso ko sa kaniya.

"Oh, ano kumusta ang binenta mong condom ubos na ba?" Tawa ng tawa naman si Bryan sa tanong ko, kaya pinaningkitan siya ni Josh ng mata.

"Fuck, those ugly duckling! She try to rape me. Gago muntikan na ako 'dun." Nadidismayang sabi niya sabay iling.

"Hahaha! Nirape ka? Nino?" Sabay naming tanong ni Bryan habang natatawa.

"Ayon oh!" Turo niya sa babae na nakatingin pala sa amin, habang nagpapacute kay Josh.

"Bitchhh! Stop acting like that you're not cute anymore. Rapisttt!" Sigaw ni Josh na ikinatawa namin.

Hindi naman siya maririnig ng babae dahil sa ingay dito. Gago talaga ang isang 'to, dinagsa na naman ng tupak niya.

"Hahaha! Baliw ka pala eh, paano ka maririnig 'nung tao e ang ingay dito." Sita ko sa kaniya, bading talaga dinaig pa ang babae kong makaarte. 

Lalo lang lumapit ang babae sa table namin dahil sa panay atungal ni Josh. Akala siguro 'nung babae pinapalapit siya ni Josh. Ito namang si Josh tumayo agad at nagpunta sa likod ko ng nandiyan na sa table namin 'yung babae.

"S----sige! Lumapit ka sa akin hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Pagbabanta ni Josh sa babae habang ang isang kamay niya nakahanda ng bumunot ng baril na pinaipit lang sa bewang niya.

"B----babeee! Bitin ako e, bakit ka naman tumakbo kanina?" Mapang-akit na boses ng babae na mas lalo pang lumapit kay Josh.

Tawa lang kami ng tawa ni Bryan sa kabaliwan ng kapatid niya.

Isang Mafia takot sa babae. Hahaha! Pambihira.

Hindi naman ako takot sa babae sadyang ayaw ko lang maglaro ng babae. Sapat na sa akin ang isa at hindi naman ako pumapatol sa mga babae dito sa bar. Umiinom lang naman kasi ako dito, kapag sumasama ako sa kanila.

"Sigeee! Lumapit ka sa akin babarilin kita!" Panakot niya sa babae, parang mga aso't-pusa ang dalawa.

"Okay lang babe, basta ikaw." Ibang klase 'din ang babaeng 'to hindi man lang nadala sa panakot ni Josh.

"Ahhh! Okay lang pala huh." Sabi ni Josh na mukhang nanggigigil na talaga sa babae kanina pa. Hinubot niya na ang baril niya at tinutok ito sa babae.

Tumakbo naman ang babae sa takot na baka iputok nga ni Josh ang baril niya.

"Baril lang pala katapat mo eh." Umupo na siya sa tabi ni Bryan at inayos ang damit niya.

"Fuck! Kulang ng isang batones. Punyetang babaeng 'yun." Aba! Ang babae pa ang sinisisi niya. Hahaha!

Lumabas na sila Azi at 'yung babae na galing sa kwarto.

"Next time, babe!" Paalam 'nung babae sa kaniya.

"Ang harot mo bro. Ano masarap ba?" Tanong ni Bryan.

"Oo, sobra lasang magic sarap eh."

"Hahaha!" Tawa ni Josh. Kung makatawa, parang hindi takot sa babae.

"Anong nakakatawa 'dun?"  Tanong ni Azi kay Josh. Magkaaway talaga ang dalawang 'to kahit kailan.

"Wala! bawal?"

"Tssk! Paganyan-ganyan lang 'yang si Josh, pero nakabutas na 'yan ngayon." Pang-aasar ni Bryan kay Josh.

"Nirape niya ako syempre pumatol 'rin  ako." Sagot naman ni Josh. Kung makaarte kanina akala mo naman hindi pumatol ang loko.

"Eh! Bakit kung makaarte ka kanina parang hindi ka pumatol? May patakbo-takbo ka pang nalalaman na parang asong ulol?"

"Kasi sabi niya gusto niya 'daw ng blow job. Hindi ko naman naintindihan ang sinasabi niya kaya tumakbo ako. Malay ko ba sa blow job na 'yun."

"Hahaha punyeta ka, Josh! May pagka-inosente ka pala. " Sabi ni Azi.

Si Azi pa ba ang walang alam. Hahaha! Yan pa memorize lahat ng position ng $3x. (gets niyo po ba? Kung hindi okay lang.)

"Kaysa naman sayo saksakan ng landi. Lahat nalang ng babaeng pokpok tinitira mo."

Ito na naman ang dalawa. Nagsisimula na namang magbangayan.

"Inggit ka lang." Sagot ng maharot kung kambal. Ano naman kayang nakakainggit sa mga ginagawa niya?

"Congrats nalang kung magka-aids ka. Hahaha!"

"Tumahimik nga kayo!" Sita ulit ni Bryan sa dalawa. Si Bryan kasi ang tanyag na tagasita ng dalawa.

Nakikinig lang naman ako sa kanila, habang tumatawa kapag may napapansing kabaliwan nila.

Insert Song:  Beautiful life

Ayon ako nalang ang naiwan dito. Sumayaw na 'yung mga abnormal kung mga kasama ng tumugtog ang kantang Beautiful Life.

Yun lang pala hinintay nila.

"Woahhhhh!" Sigaw nila sa dance floor.

Oh, it's a beautiful life, it's a beautiful life you're my sunshine

Tama ba 'tong lyrics ko? Basta nakisabay lang ako. Paki nyo! Ang lakas ng tugtug lalo na viper ang gamit.

"Woahhh! Woahhh! Woahhh!" Sigawan ng mga tao sa dancefloor.

Bahala kayong sumayaw diyan! Basta iidlip na muna ako.

Kidnapped By The Mafia Boss [Under Editing]Where stories live. Discover now