"Katheryne, stop—"

"And besides, baka pag nakatulog na naman ako eh mapanaginipan pa kita and my dreams will suddenly turn into a nightmare pag naging kamukha mo na naman si Incredible Hulk sa panaginip ko."

"Katheryne! I said stop!"

"Or worst, baka reypin mo na naman ako sa..." I looked at him warily when he suddenly stood up from his chair, "...panaginip ko."

He walked around his table and went to me.

"Hoy, ang pikon mo. Sabi ko sa panaginip ko lang. Not in reality—aaaaaaay!" Napatili ako nang bigla na naman niya akong binuhat na parang sako ng bigas sa balikat niya.

Kinabahan ako. Bigla na naman akong nakaramdam ng takot dahil ganitong-ganito rin yung nangyari noon nung hapon na pinagsamantalahan niya ako sa yate. Kung anu-ano rin yung mga sinabi ko noon sa kanya kaya sumiklab siya sa galit at binuhat ako nang ganito pabalik sa cabin para gawan ng di maganda.

"Ryder! Ibaba mo 'ko! Saan mo ba 'ko dadalhin?" Nagwala ako at nagsimula na namang manginig yung katawan ko. "Ryder, put me down!" I screamed in panic while punching his back.

"Shut up! Sobrang kulit mo, Katheryne!  Gusto mong ihulog kita?"

Natigilan ako dahil wala naman akong nabakas na galit sa boses niya. Hindi katulad noon na galit na galit siya sa akin kaya alam kong gagawan niya ako noon ng hindi maganda.

"Ryder, nahihilo na 'ko! Saan mo ba 'ko dadalhin?" Napansin ko na nasa kitchen na kami. "Ryder!"

"I said shut up! Why can't you stop talking? Dadalhin kita sa gitna ng gubat at iiwan dun. Napakakulit mo eh!"

"Hoy! Grabe ka naman! Baka gawin lang akong merienda ng mga wild animals dun! Maaatim mong mangyari sa akin yun—aaaay!"

Bigla niya akong ibinaba sa lupa saka tinitigan. "Of course not, princess. I'd rather have you for myself than to let those beasts feast on your body."

Naramdaman kong nagtayuan yung mga balahibo ko sa sinabi niya. "May pagnanasa ka talaga sa akin, 'no?! Sabagay, beast ka nga rin pala."

He tilted his head up and massaged the bridge of his nose. "Katheryne..." he said silently as if starting losing his patience already.

"At ako si Beauty. See?" Itinuro ko yung sarili ko. "Beauty," at itinuro ko siya, "and the Beast."

"KATHERYNE CANDICE MONTEVERDE!!!"

Natawa ako nang malakas dahil pikon na pikon na yung itsura niya sa akin. Pero bigla akong napatigil nang bigla niyang inilapit yung mukha niya sa akin. Pakiramdam ko pati paghinga ko ay huminto na rin. He suddenly smirked at me before I screamed again when this time, he suddenly carried me in his arms, bridal style.

"Ano ka ba?! I said put me down!!!"

Isinakay niya ako sa loob ng helicopter niya, inupo sa upuan sa likod at kinabitan ng seat belt.

"Ano'ng gagawin natin?" tanong ko sa kanya.

He turned to me. "We're going to fly."

My eyes suddenly widened in excitement habang sinisimulan niyang buhayin yung makina ng helicopter.

He turned to me. "Wear your headset, princess."

Napangiti ako habang sinusunod yung sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa yun. Sobrang astig niyang tingnan habang nasa likod ng controller. This wasn't my first time to ride a helicopter pero itong ang unang beses na gagawin ko ito para mamasyal.

Nang nasa ere na kami ay noon ko lang nalaman na napakalawak pala ng kagubatan kung nasaan kami.

"Did you like the view?" he asked me.

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now