Tinitingnan ko ang bawat shirts na nakahanger at napapangiti na lang dahil nagagandahan ako sa mga ito.

"Ano po ba ang hanap nyo? Pang kids po ba?"sabe ni ate mong sales lady.

"Ay hindi po, miss."nakangiti kong sagot sa kanya habang patuloy lang sa pagtitingin.
"For a friend sana."

"Girl po ba or boy?"tanong ulit ni ate mong saleslady.

Napatigil ako sa tanong na yun.
Hindi na nahintay neto ang sagot ko kase tinawag sya ng isang kustomer. Nag excuse sya sa kin na sinuklian ko naman ng ngiti.
At ng mapag isa ako ay parang nag e-echo sa isipan ko ang tanong ni ate mong sales lady.

"Girl po ba or boy?"

"Girl po ba or boy?"

"Girl po ba or boy?"

"Ano nga ba?"ako tas nangingiti.








*flashback*




( 6 months ago )


"Ano, jho sama ka?"tanong muli ni gizelle sa kin.

"Gusto ko sana kaya lang......"ako tas pinakita ko ang mga papel na naka kalat sa study table ko. "Kailangan ko pa tapusin 'to."😟😟😟

"Sad naman!"si gizelle. "Manlilibre pa naman si jamie."

Lalo akong na sad ng marinig ko yun.
Biglaan kaseng nag aya etong si Lavitoria, di tuloy ako makakasama sa kanila.
Syempre acads muna bago lakads. Shaklap!

"Kaw, bei, sama ka na!"pamimilit ni gizelle kay beatriz.

"Ayaw! Lilimasin nyo na naman ang pitaka ko! Dito na lang ako. Gusto kong matulog." sabe pa neto tas humiga sa bed ko.

"Matutulog ka ba talaga?..... Or ano?"si Giselle na sinamaan ng tingin si beatriz.

"Oo nga! Parang ano 'to!" natatawang sabe ni beatriz.

Para namang di kumbinsido si gizelle dahil lalo lang tiningnan ng masama si bea. Binato naman nya ng unan ang bago nameng libero. Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanila, ba't feeling ko may meaning yung palitan nila ng tingin?

"Di ka pa ba bababa? Baka ikaw na lang ang hinihintay nila."sabat ko.

Saka pa lamang tuluyang nagpaalam sa min si gi. Inihatid naman ni bea ito sa baba.
Di ko na pinag kaabalahan na ihatid sila sa labas, kailangan ko ng matapos 'to. Na i-stress na ko!!!

Naramdaman kong may pumasok sa loob, di ko na nilingon alam ko na, eh.
Maya maya ay may inilapag syang....
FRIES!😃

Alam nya sigurong magtatanong ako kaya inunahan na ko.

"Bago ako bumalik ng dorm kanina,dumaan muna ko sa drive thru." Tas inilapag din yung burger at large coke. "Alam kong stress ka na dyan sa ginagawa mo."dagdag pa neto.

Iniikot ko ang swivel chair ko paharap sa kanya. Nakaupo na pala ulit sya sa bed ko. Habang nilalabas ang burger nya.
Tumabe ako sa kanya tas niyakap ko sya ng pa sideways na ikinagulat nya ng sandali.

"Oi, sinasabe ko sayo di po yan free, nakalista na po yan."biro nya tas inakbayan ako.

"Sige lang. Lista mo lang."ako tas humiwalay sa kanya.

"Pinaaalala ko lang po Ms. Maraguinot, mahaba na po ang listahan nyo sa kin. Kailan po kayo magbabayad?"

"Pag di ka na singkit! Hahahaha!"ako.

"Parang malabo na yata, ah."sya tas inalis ang pagkaka akbay nya sa kin.  "Kase di ka na rin puputi, eh!"

Alam kong pinipigilan lang nyang tumawa kase sinamaan ko sya ng tingin. Tas automatic na dumapo ang palad ko sa hita neto.

"Buti nga sayo!" 😝 ako.

Di maipinta ang fez ni beh! Lol!
Pero nakonsensya rin agad ako ng mapansin kong mej naluluha si beatriz. Siguro nasaktan talaga ang beh ko kaya tiningnan ko ang hita nya at ayun bakat ang kamay ko! Pulang pula pa! Wawa si beh.

"Kaw kase, ihhh.... Kaasar ka! Lage mo kaseng inaano yung kulay ko!"ako.

"Joke lang kaya yun. Pikon mo naman!" sya na natatawa na.

Nagkwentuhan kame ng kung ano ano lang habang nakain. Sya naka upo sa bed ko at ako naman ay bumalik sa swivel chair pero nakaharap ako sa kanya.

"Beh, magagalit ka ba kung may secret ako tas di ko sinasabe sayo?" Biglang tanong ni beatriz.

Napa angat ako ng ulo at tiningnan sya. Nagtama ang paningin namen pero nag iwas sya agad. Napakunot noo tuloy ako.

"Depende."sagot ko tas kumagat sa burger. "Kung matagal na yan at makakasira sa friendships naten tas di mo pa sinabe...... Hmm....baka?"

"Ahhh....."yun lang ang naisagot ni beatriz.

Kanina masaya naman kame, bakit biglang nanahimik ang kwarto?
Di na kase nagsalita pa ang damulag. Ako naman ay busy sa phone, may nag text eh. Sinagot ko lang baka sabihin pang suplada ako. Pero mali yata ang ginawa ko kase nag re-reply sya sa kin. Kahit sabihin ko pang busy ako. Ang kulit nya po.

( Stop ka na ring mag reply sa kanya. )

Sige na nga!

"Sino yang ka text mo?"

"Ah, wala. Block mate ko lang."ako tas nagpatuloy kumain.

"Beh, may sasabihin ako pero......"

"Pero ano?"

"A-ano kase, eh...... Uhm..... mag promise ka muna.... Na ano---"

"Diretsahin mo nga. Dame mong pasakalye. Ano ba yun?"ako.

"Promise ka muna."pamimilit ng damulag.

"Eh, ano ba ang ipa-promise ko sayo? Pero sige na nga, promise para matapos na. Para ka kaseng pusang di ma-tae."sabe ko at tumawa pa.

Nakita kong humugot sya ng hininga.
Mukhang seryoso si beatriz, ah! Halata sa
mukha, naka game face, eh!

"Jho, beh.... BISEXUAL AKO!"












Pagkasabe nya yun ay bigla itong dumapa tas isinubsob ang pagmumukha nya sa unan.

"Oh, tapos?"ako tas sinaid ko na laman ng drinks ko.

Biglang umupo at hinarap ako ni beatriz na ngayon ay pulang pula ang mukha. Para syang kamatis sa pagkapula! Pati tenga nya namumula, hahahaha! Ang cute ni beh!

"Anong bago dun?"

"Y-you mean.... You k-knew it already!?!"
Di sya makapaniwala.

"Uh-huh."ako tas tumango pa. "Actually..... Buong team."

"WHAT!?!?"






* end of flashback *








"May napili ka na po ba, ma'am?" sabe ng saleslady ng balikan nya ako ulit.

"Ano 'neng meron ka ng nagustuhan?"si ate ells na nakalapit na pala sa kin.

Tumango lang ako sa dalawa tas kinuha ko yung T-shirt tas ipinakita ko ito kay donya.

"Bibilhin ko na 'to,miss."ako sabay baling kay ate mong saleslady.

Iniabot ko na sa kanya yung mga shirts para mabayaran ko na. Binigyan naman ako ni donya ng questioning look pero nginitian ko lang sya.
















































Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now