KABANATA 24 [WELCOMETOWOLFWORLD]

Start from the beginning
                                    

"Paanong naging traydor si rollin?" Tanong ko sa kanila dahilan para masamid sila na pataas na lang ako ng kilay.

"Papaikliin ko nalang kys sya ang pumatay sa iyong ina noong araw na isinilang ka sinugod nila ang bahay kung saan ka ipinanganak kasama ang mga ibang bampira" Seryosong kwento sakin ni papa napatingin naman ako kay rollin isang tingin na nagbibigay babala sa kanya.

"Una pa lang talaga gusto muna akong mawala para sa kagustuhan mo kung ikaw ang papaupoin ko ano naman ang maitutulong mo? Tuturuan mo ba ang iba kong paano makipag traydoran?" Matapang kong tanong sakanya hindi maipinta ang mukha nito samantalang ang iba ay tahimik lang habang hinihintay ang sagot nito.

"Akala kung sino kang makapag salita hindi pa naman mapapatunayan na ikaw talaga ang anak ni filtiarn" Halatang galit na ito dahil s tono ng boses nya ngumisi  ako sa kanya hindi dapat ako maging mahina sa harapan nya dapat maging matapang ako dahil ako nalang mag isa dito walang tutulong sa akin.

"Gusto mo bang patunayan ko sayo?" Malamig kong tanong sa kanya.

"Tama na yan hindi ito ang tamang oras para sa ganyang bagay nasa harapan tayo ng pagkain!" Sita samin ng aking ama hindi na muli syang sumagot pa tumingin lang sya sakin ng masama.

Hindi kita titigilan ngayon pa at nalaman ko na ang totoo ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko naranasan ang magkaroon ng masayang pamilya ikaw ang sumira samin pwes unti-unti kita.

Mahigpit ang hawak kong kutsara dahil sa galit na nararamdaman ko nagulat ako ng may humawak sa kamay ko si fenris agad kong inilayo ang kamay ko sa kanya.

"Naawa ako sa hawak mong kutsara" Sabi nito sabay tingin sa hawak ko napatingin naman ako don baluktot na ito binitawan ko nalang.

"Baka kong si rollin ang hinawakan mo nahati na sya" Natatawang sabi nya tsaka tumingin kay rollin na tahimik na kumakain.

"Gusto ko ng magpahinga papa" Paalam ko sa kanya "Bukas nalang po ako maglilibot dito gusto ko rin makilala ang mga pinsan ko" Dagdag kong sabi sa kanila.

"Rieka ihatid muna sya sa magiging silid nya" Utos nya dito sa babaeng nakilala ko kanina lumapit naman agad sya sakin tumayo na ako sa pagkakaupo bago ako lumakad palabas sa silid na to ay niyakap ko muna si papa alam kong nagulat ito sa ginawa ko pero wala akong pakialam gusto ko lang siyang yakapin.

"Sumunod ka sakin lady rudina" Magalang niyang sabi sakin.

"Kys ang pangalan ko hindi rudina" Nakangiti kong pagkokoreksyon sa kanya.

"Pasensya na" Pahingi nya sakin ng paumanhin.

"Masyado ka namang pormal hindi ko sana ay pwede mo akong maging kaibigan total wala pa akong kaibigan dito" Sabi ko sa kanya.

"Per----"

"Wala ng pero pero simula ngayon kaibigan na kita at bawal mo akong tangihan" Nakangiti kong saad sakanya napangiti naman sya sakin.

"Akala ko masungit kayo tulad ng pinsan nyong anak ni rollin" Sabi nito natawa naman ako habang naglalakad kame papunta sa magiging silid ko may mga nakasalubong pa kame ngumingiti nalang ako sa kanila.

"Mas masungit ako sa masungit gusto ko syang makilala" Sabi ko sa kanya.

"Bukas nandito sila dahil sinabihan sila na darating ka" Sagot nya sakin napatango naman ako.

Huminto kame sa isang kulay puting pintuan binuksan nya ito.

"Ito ang magiging silid mo" Napatingin naman ako sa loob napakalinis nito may malaking kama at hindi kalalakihang sofa malapit sa terrace at may dalawang upuan naman don at hindi kalalakihang lamesa.

The Last Blood [COMPLETE]Where stories live. Discover now