"She. Is. My. Wife." Mariin niyang bigkas. "She is mine."


"Sir..."


"Settle yourself, bastard. It's either ipapakulong kita... o ipapatapon kita sa Iraq." Pagkasabi niya niyon ay tinalikuran na niya ang lahat.


Naglakad na siya palayo sa kanila habang buhat-buhat niya ako gamit ang kanyang mga braso. Nang madaanan niya si Ate Nita ay nagsalita siya. "Let's go, hipag."


Hipag?


Tila natauhan si Ate Nita nang marinig si Macoy. Kusang sumunod ang kanyang katawan sa amin. Nakalimutan na niyang asawa niya si Kuya Theo.


Para lang akong isang magaan na unan habang nasa braso ako ni Macoy. Napahawak ako sa kanyang dibdib at doon umiyak. Pakiramdam ko, after a long time, ay nakahanap na ako ng kakampi. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko na may nagtanggol sa akin. Para bang sa isang iglap ay napawi ang lahat ng hirap ko at pasakit.


Sa sandaling iyon, sa unang pagkakataon, ay naramdaman ko na ligtas ako. Ligtas ako sa bisig ng lalaking ito... nitong asawa ko. Wala sa sariling napayakap ako sa kanyang leeg at napahagulhol.


Umigting ang kanyang panga. May kutob akong pilit lang niyang pinapakalma ang kanyang sarili.


Mayamaya ay kaharap na namin ang kanyang kotse. Maingat niya akong inilapag sa passenger's seat. Pagkatapos ay pinagbuksan niya si Ate Nita pinto para sa back seat.


Hindi namin namalayan na humabol pala sa amin si Donald at si Kuya Theo. Nasa likuran na pala ni Macoy ang dalawa. "P-Pamela, let's talk." Pagmamakaawa sa akin ni Donald.


Umiling ako habang luhaan ang aking mga mata. Tama na, ayoko na. Pagod na ako. Tama na siguro iyong pangalawang beses na sinaktan niya ako.


"P-please, Pamela." Akma pa lang niyang bubuksan ang pinto nang kotse nang suntukin siya ni Macoy.


Halos tumalsik siya. Napalupagi siya sa sahig, duguan ang nguso.


Macoy was taller than Donald. Higit din na mas malapad ang balikat, matigas ang mga braso at kamo. Magmumukha lang si Donald na isang batang paslit kapag sinubukan niyang lumaban.


Napalakas yata ang suntok ni Macoy dahil hindi na nakabangon pa si Donald.


Umawat si Kuya Theo sa kanila. "P-please, Sir, tama na po."


"Ayoko nang makikita ang pagmumukha niyo rito." Pumasok na si Macoy sa kotse at naupo sa driver's seat.


Humabol muli si Kuya Theo kay Macoy. "What do you mean by that, Sir?"


"What I mean is I am firing your whole family!" Binuhay na ni Macoy ang makina ng sasakyan at pinaandar.


Naiwan na lang na nakatanaw si Kuya Theo lalo na kay Ate.


Ngunit sa hitsura ni Ate Nita, mukhang suko na rin siya kay Kuya Theo. Ni hindi na siya nag-abala na lingunin pa ito.

Retired PlayboyWhere stories live. Discover now