Mission 1

7.5K 178 15
                                    

[Rury's POV]

"You look good, Agent Red Queen, or should I say... Red King." Nakangiting sabi sa akin ni Ms. Seri nang lumabas ako ng kwarto matapos kong isuot yung bwisit na wig, yung nakakamatay na girdle para mapipi ang dibdib ko, at yung napakainit na uniform ng lalake. Oh damn it. Nakakainis talaga!

"Red Queen, hindi mo isusuot ang eye galsses mo sa mission mo." Sean

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?! Alam nyo namang mas malabo pa sa salaming hiningahan ang paningin ko, aalisin nyo pa ang salamin ko?" Dabog ko.

"Ayon sa reasearch, ayaw ni Saya sa mga lalaking nakasalamin." Mae.

Oh my goodness. Wala. Wala na talaga akong magagawa. "Sige na. Wala na akong sinabe."

"Alam mo, may itsura ka pa lang lalake pag nagsuot ng damit panlalake?" Sabi ni Mae sa akin at agad naman akong humarap sa salamin at BALAGADUM! Ako ba ito?! Hindi ako makapaniwala! Lalakeng lalake ang itsura ko!

"Red Queen, pinapatawag na tayo ni Dr. Art sa laboratory nya. Nandoon yung mga gadgets mo." Sean.

Sabay-sabay kaming apat na nagpunta sa laboratory ni Dr. Art para ipakita sa akin ang mga gadgets na kakailanganin ko sa mission ko. 

"You look nice." Tumatangong sabi sa akin ni Dr. Art ng makita nya ako. Oo na. Pangit na akong babae pero gwapong lalake. Naks!

"Agent Red Queen, nakikita mo ba tong micro chip na ito?" Sabi sa akin ni Dr. Art at may micro chip syang pinakita sa akin. "Etong chip na ito ang mag aadjust ng boses mo para maging pang lalake. Ikakabit namin to sa ngipin mo. Wag kang magalala, sakto yan sa butas ng ngipin mo sa bandang kaliwang bagang mo kaya hindi mo yan malulunok." Nakangiting sabi nya.

Teka nga. "Sir, paano nyo po nalaman na may butas ang kaliwang bagang ko?" Hindi ko makapaniwalang sabi.

Ngumiti sya. "Natatandaan mo ba noong nakatulog ka dito noong nakaraang linggo sa oras na 12:34.53.1? Kinuha ka namin at tiningnan ang buong katawan mo para--"

"Sige na. I get it. Tama na po." Nakayuko kong sabi. WALA NA AKONG ITATAGO SA AGENCY NA TO!

"Okay. Sumunod naman ay itong phone mo. May video yan na nakaautomatic answer kapag tinawagan mo ang mga intelligence back ups mo. Mabilis yang makatanggap ng files mula sa kanila. May video call. Pwede kang maghack ng system gamit yan. Mabilis din yang kumopya ng mga files. May flash light din yan. Water proof. Fire proof. Bullet proof. Hindi mabilis maglowbat. Kayang magenhance ng pictures. Malawak ang sakop ng camera at higit sa lahat, pwede kang magselfie dahil napakataas ng resolution nito." Nakangiti nyang sabi.

Napatango na lang ako.

"Sunod, itong ball point pen mo. Narerecord nito ang lahat ng sinusulat mo. May laser din ito na kayang sumunog ng bakal. Bastat, iangat mo lang itong takit at saka pindutin mo itong button para gumana. At ang huli, kapag inalis mo itong takip at idinikit mo ang ballpen na ito sa pantalon mo, kakapit ito ng sobrang higpit sa pantalon mo at pindutin mo ito." Sabi nya sabay pindot sa ballpen at saka may tali na pumuslit a loob ng ballpen at kumonekta ito sa ding-ding. What the! Ganito yung 3D maneuver gear sa anime na pinapanood ko! Yung Shingeki no Kyojin! Okay tama na. Otaku ako eh. Bakit ba?

"Parang maneuver gear?" Tanong ko.

"Tama! Pinabaunan kita ng limang ballpen na ganyan." 

"O-Okay."

"Sunod ay etong shades mo. May X-ray vision ito, may laser, nakakascan at nakakarecord ng mga makikita mo. Yung sapatos mo rin, may mga spaces yon sa ilalim para paglagyan mo ng mga samples na makukuha mo. Pwede ka ring maglakad sa dingding gamit yun, basta magiingat ka lang. Yung relo mo din, may mga sleeping needles kami na nilagay dyan para magamit mo in case of emergency. Parang si Conan Edogawa lang di ba? At ang huli itong skateboard mong kayang umandar ng 300 kilometers per hour sa ere." Nakangiti nyang sabi.

Code Name: Agent RedWhere stories live. Discover now