Chapter 25 - Sick

Start from the beginning
                                    

"Makulit ka pa ah!" Sabi niya at umalis

Aish!

Agad akong natulog at pag gising ko nakita ko si Thunder sa aking tabi.

"Ayos ka lang ba??" Tanong niya

Sabay hawak sa leeg at noo ko

"Tsk!! May lagnat ka magpahinga ka Jan at ikukuha kita ng gamot"

Sabi niya di ako sumagot at inantay ko siyang bumalik.

Pagka balik niya ay may hawak siyang gamot at tubig, inalalayan niya akong makaupo sa kama at tsaka pinainom sa akin iyon.

"Thank you"

Sabi ko at nginitian niya naman ako.

"Teka, ikaw ayos ka lang?"

Sabi ko sabay hawak sa noo niya hinawakan ko rin ang leeg niya may sinat pala siya!

"Ayos lang ako kumpara sa iyo!!"

Sabi nya at ginulo ang buhok ko at tsaka siya lumabas ng kwarto.

Bakit ba napaka caring ng lalaking yun? Sa lahat ng lalaki sa aming magkakaibigan siya ang pinaka gusto ko.




Ice POV

Hindi ko alam sa sarili kung bakit silip ako nang silip sa kwarto ni Crystal. Nakita ko pa nga sila ni Thunder, alalang alala ito sa kanya.
Nakakainis dahil sa tuwing sumasama si Crystal sa kanila ay may nangyayaring masama sa kanya, hindi ko alam kung bakit may part sa akin na nagagalit kayna Darren,James at Thunder.

Unang una sina Darren at James.
Tinakas lang naman nila si Crystal para magsaya, Alam naman nilang bawal yun tapos iuuwi nila si Crystal ng may sugat at pilay. Nakakainit talaga ng ulo.

What the f*ck is wrong with me??

Ano bang pakealam ko?

Lumabas na muna ako sa dorm at napadaan ako sa meeting room nang may marinig ako na isang pamilyar na boses.

"Mamaya ay meron tayong pagpupulong tungkol sa nawawalang prinsesa ng Mystic Kingdom!!"

Boses ni HM

Ano naman kaya ang tungkol sa prinsesa?

Maya Maya ay Lumabas silang lahat kasama ng mga teachers mabuti nalang ay hindi nila ako nakita.

After 1 hour

Nandito na ako ngayon sa meeting place nila at dito iyon sa palasyo ng Mystic. Ewan ko ba kung bakit ko ito ginagawa, gusto ko lang talaga malaman kung ano ang balita tungkol sa nawawalang prinsesa.

"Kung nandito na ang prinsesa saan natin sya matatagpuan?"

"Hindi ko rin alam pero mas madali nalang hanapin ang prinsesa dahil andito na sya sa mundo natin!"

"Nagbigay ng clue ang Black Dragon ang sabi po ay ang pangalan niya ay siyang kanyang kapangyarihan"

Nag tanong naman si Queen Crystalline.

"Kung ganun ano kaya ang ipinangalan sa kanya? Kailangan natin siyang mahanap sa lalong madaling panahon dahil baka maunahan tayo ng mga dark ericlius kung nalaman nila na andito ang prinsesa"






Nasaan ka na nga ba? Bakit mo ba kami pinahihirapan?












Sana lang talaga tama ang nasa isip ko...

Elemental Academy: The lost Princess of Mystical World (REVISING)Where stories live. Discover now