"Bakit may masama ka bang nararamdaman?" Pag aalang tanong nya pina upo nya ako sa may upoan.

"Isang buwan na kasi akong hindi dinadatnan kinakabahan ako baka buntis ako" Napangiti sya habang tinitignan ako nahiya naman ako.

"Normal lang naman mabuntis ang may asawa halika kukuhanan kita ng dugo para malaman natin" Nakangiti niya sagot alam nyang may asawa ako? Wow hah ang bilis ng balita ah.

Pinahiran nya na ng alcohol yong pagkukuhanan nya ng dugo.

"Kukuhanan na kita hah" Pag papaalam nya naramdaman ko na yong karayom na nakatusok hindi nag tagal inalis nya na nilagyan nya na ng bolak yong kinuhanan nya.

"Antayin moko dito" Sabi niya tumango tango nalang ako pumasok na sya sa lab nya.

Habang hinihintay ko sya nagtingin tingin lang muna ako sa mga nakadisplay na gamit nya.

Napako ang tingin ko sa isang picture frame may kasama sya don babae halos kasing edad nya lang sino kaya yon.

Halata sakanila na sobrang saya nila baka kapatid nya or kaya kaibigan.

Iginala ko ulit yong paningin ko wala parin ipinag bago kong ano ang ayus nya noon ganito parin ngayon.

Napatingin ako sa pitnuan ng lab nya ng bumukas ito.

Nakangiti sya sakin kinabahan naman ako ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Congrats kys one month preggy kana" Masaya nyang sabi hindi naman ako maka pa niwala sa narinig ko.

Lumapit sya sakin niyakap nya ako hindi ko maiwasang hindi maiyak dahil sa kaba at saya.

"Wag masstress hah ingat mo ang baby mo" Sabi nya sakin habang pinupunasan nya yong luha ko.

"Opo wag po kayong mag alala" Nakangiti kong sagot

"Kapag may problema puntahan mo ako" Sabi nya sakin tumango naman ako sakanya.

"Aalis na po ako salamat po" Pag pa paalam ko sa kanya tumango naman ito lumakad na ako palabas ng clinic nya.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil sa nalaman ko ang saya ko pero may lungkot akong nararamdaman dahil baka kapag nalaman nilang buntis ako baka may lumabad nanamang kalaban.

"Tara sa office ni jeon" Seryoso kong sabi kay jacob pag kalapit ko sakanya sumakay na agad kame sa kotse.

"Bilisan mo" Utos ko sakanya gusto ko ng masabi kay mokong to ano kayang mararamdaman nya.

"Opo kys" Sagot nya sabay iling.

Hindi na ako umimik pa nakatingin lang ako sa labas ng may makita akong manga sa may park.

Agad akong nag laway at kuminang kinang yong mata ko.

"Jacob sandali" Pagpapatigil ko sakanya habang nakatingin sa manga.

"Bakit?" Tanong nya

"Ibili mo ko ng manga damihan mo yong alamang dali na" Utos ko sa kanya napailing nalang sya at bumaba na sya ng kotse.

Nakatingin lang ako sa kanya habang bumibili pagkakuha nya yon agad na syang pumasok dito sa loob ng kotse.

"Ito na" Kinuha kona agad at inamoy amoy ko ito ng mapansin kong nakatingin sya sakin kaya napatingin ako sakanya

"Bakit? Anong titingin tingin mo dyan?!" Masungit kong tanong.

"Wala lang ang baho nyan kong makaamoy ka wagas" Sagot nya sakin tsaka nya pinaharorot yong sasakyan.

The Last Blood [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon