"Yeah."

"Wifey?"

"Hmm?" Tugon niya habang namimili ng mapapanood.

"Naisip ko. . . Ano kaya kung. . . Kung dagdagan na natin ang mga babies natin?" Patuloy nitong hinahalikan ang kanyang leeg.

"You mean bibili pa tayo ng more puppies and kittens?" Alford stifled his chuckle.

"No. . . I mean a real one. A real baby." Natigil si Lyca sa pag-scroll at gulat na napatitig kay Alford.

"Seryoso?"

"Naisip ko lang kasi na it would be better kung real babies ang isasakay natin sa stroller at ipapasyal at hindi mga pusa. And I'm not getting any younger anymore. I want my own children."

Bahagyang nagpakawala ng hangin si Lyca mula sa bibig at napaisip. She isn't ready for a baby, that's why she is currently taking contraceptive pill. She isn't ready to ride the world's craziest roller coaster. Ang Ate Leila niya ay may tatlong anak at mukha itong ngarag na ngarag lagi. May mga yaya naman ang mga anak nito pero nakikita pa rin niya ang stress sa kapatid lalo na kapag nagkakasakit ang mga bata.

Tingin niya hindi pa niya kaya ang ganoong stress. Iba naman ang pag-aalaga ng pusa sa totoong baby. Sampung dobleng pag-iingat sa pag-aalaga ng totoong baby.

"I'm just suggesting. Pero kung hindi ka pa talaga handa. It's alright." Inilapag niya ang iPad sa kama. She moved to straddle him. Inilapat niya ang dalawang kamay sa balikat ni Alford.

"Ayaw mo bang ako muna ang baby mo. Mukha naman akong baby, 'di ba?" She jutted her bottom lip in a cute pout that was only partially feigned. Mahinang natawa si Alford.

"Yeah. A brat kid."

"Saka ayaw mo bang tayo lang muna? Ikaw at ako. Bago pa lang naman tayong nakakasal, eh. Let's enjoy ourselves together for now. Gusto ko kasi kapag nagka-baby na ako, 'yong ready na talaga ako. Gusto ko ako ang mag-aalaga sa magiging mga anak natin."

"I understand." Pumisil ang magkabilang kamay ni Alford sa balakang niya. Masuyong ikinulong ni Lyca ang mukha ni Alford sa kanyang palad.

"Sa ngayon ikaw na muna ang aalagaan ko." Malapad na ngumiti si Alford at ipinaikot ang mga braso sa katawan ni Lyca.

"Talaga? Aalagaan mo ako?"

"Of course. 'Di ba nga sabi ko sa 'yo magiging mabuting asawa na ako. "

"ARE we gonna play cards or what?" Mula sa cellphone ay sabay-sabay na nag-angat ng tingin ang tatlo, Alford, Dock and Falcon, kay Wilson na nasa sahig at nakaupo sa throw pillow hawak ang cards.

They were hanging out at Wilson's house. Nagyaya si Wilson na pinagbigyan naman nila kasi ilang araw na rin siyang tumatangging lumabas. Iyon nga lang ay kinumbinsi nila itong sa bahay na lang nito sa halip na sa maingay na club. So, they gathered here on Friday night to play euchre while having some drinks. Ewan ba niya! Parang nawalan na siya ng ganang magpunta sa mga club. Mas gusto pa niyang manood ng Kdrama na paborito ni Lyca, kasama ito kaysa ang lumabas. Nakakatawang isipin na ang mga bagay na hindi niya gusto noon ay nagugustuhan na niya ngayon. Na-e-enjoy niya ngayon ang mga palabas na pinagbibidahan ng Korean actresses. Nagpapalitan sila minsan ni Lyca ng opinyon at hula sa mga mangyayari sa palabas.

"Being with you, guys, lately is fucking boring! Sana hindi na lang kayo nagpunta kung cell phone lang naman din ang aatupagin niyong tatlo!" Oh, mukhang badtrip talaga ang isang ito.

Fatal Attraction 1: Down And Dirty  (Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon