Keeping Distance

10.8K 269 66
                                    

/'Sometimes what you're looking for comes when you are not looking.'/
-Anonymous

"Pwede dyan ang mga gamit mo tsong tapos yang table sayo din, para kapag nag aaral ka diba."

Magkatulong nilang binuhat ang study table at nilipat sa kabilang part ng kwarto.
Todo asikaso si Chynna, hindi niya maintindihan pero magaan ang loob niya sa bagong housemate.

"Thank you Chynz ha, kunti lang naman gamit ko."

Binuhusan ni Glaiza ng alcohol ang lamesa tsaka pinunasan ng mabuti, unti-unting inilapag niya ang mga libro at notebook mula sa malaking bag.
Nakatingin lang si Chynna at tila kinakapa ang bagong room mate niya.
Napakaganda ng pagkaka balot sa mga libro at properly maintained ang mga notebook, idinikit niya sa harap ng dingding ang mini calendar na puno ng mga reminders, exam dates at class schedules.
Mahiyain gumalaw si Glaiza, tipid din magsalita.
Hindi siya girly manamit, may pagka-boyish pa nga but her gesture demand respect.

"Nursing ka pala tsong?"

Chynna try to break the ice, alam niyang medyo nag aalangan din magsalita una si Glaiza.

"Ay hindi, Physical Therapist ako, pinasosyal daw na taga hilot."

Nagtawanan sila, kwela din pala 'to, sa isip-isip ni Chynna.

"Atleast sosyal diba, ay ano nga pala Glaiza, kasi kaming apat monthly nag-aambagan kami tag 2k, igogrocery yan para food for the whole month na tapos schedule na lang kung sino assign magluto. Baka lang interested ka."

Tumango si Glaiza, at nagpatuloy sa pag arrange.

"Oo naman Chynz, sige bigay ako mamaya ha."

She smile at nahiga sa bed niya.

"Uhm Chynz, yung nagbukas sa akin ng pinto last week, si 'miss'."

Maingat ang pagtatanong ni Glaiza.

"Ay si Rhian yun, actually apat talaga kaming magkakaibigan."

She nod at naglabas ng cover sa unan.

"Rhian pala pangalan niya. Foreigner ba yun?"

Natawa naman si Chynna.

"British yung Dad niya, kaya medyo hilaw."

She once again nod.
Nilabas na niya ang mga ballpen at lapis, isa-isang hinilira sa table.
Napansin ni Chynna ang pagkamaayos ni Glaiza sa mga gamit nito.
May guitara din itong dala, maybe she can play?
Pero hindi din siya sure, may iba kasi na ginagawang display ang gitara pero 'di naman marunong.
She keep all observation to herself.

------------------------------------

Padabog na pumasok si Rhian sa kwarto, nagpagulong-gulong sa higaan, inamoy-amoy ang unan at natawa sa lavender scent nito.
May babaeng pumasok sa kwarto pero hindi niya tiningnan dahil busy siya sa pagsiksik ng mukha sa mabangong unan.

"Ortaleza, kailan kapa natutong mag fabcon, nakakapanibago ka naman, bango nito ah."

Panunukso niya. Hindi umimik ang kausap kaya nagpatuloy siya sa pagdaldal.

"So kailan lilipat ang new room mate mo? Ngayon ata yun diba? By the way,Ganda ng mata niya no, parang ewan, hahaha."

Pinadyak-padyak pa niya ang paa sa higaan sa labis na tuwa.

"Did you see the way she dress Chynz, astig no, may pa-hoodie pa."

Nanatiling naka subsob ang mukha niya sa unan.

"Pero seryoso, ang ganda niya diba, yung gandang hindi nakaka-umay. Girl crush ko na siya. Oh my God, i cant even..hahaha."

Tila kinikilig-kilig pa ito sa pagsasalita.

Incognito YouWhere stories live. Discover now