Ikalawang Paghihirap

1.6K 15 0
                                    

Nandito na naman ako
Nakatunganga, nag-iisip paano ko mawawala
ang malalim na nararamdamn para sayo
Nandito ka naman, nakatitig sakanya;
Nakangiti habang pinagmamasadan ang maamo niyang
mukha
Nandito ako at nandito ka rin, ang lapit natin sa
isa't-isa... pero pakiramdam ko ang layo mo.

Kitang kita kita, pero hindi mo ako matapunan ng
tingin dahil mas nakatuon ang atensyon mo sakanya
Kitang kita ko ang mga ngiting nabubuo sa mukha mo
habang tinitignan siya
Pero sana.... makikita mo rin ang pagmamahal na ipinapakita sayo.

Mapapansin Kaya? (Complete) Where stories live. Discover now