Prologue

496 9 11
                                    

"Tri, matagal pa ba si Roxann?"

"Roxy! Matagal ka pa ba? Kanina ka pa hinihintay ni daddy."

"Wait lang po! May hinahanap pa po ako."

Tumingin ako sa may grandfather's clock sa tabi ng TV. Magte-ten na pala ng umaga. Eto nanaman yung mga araw na wala akong magandang ginagawa kung hindi kumain, matulog, kumain, manood ng TV, tapos matulog ulit.

Narinig ko yung mga footsteps ni Roxy na papalapit sakin. "Oh, nakita mo na ba yung hinahanap mo?" Tanong ko habang inaayos yung braid ng buhok niya. "Opo. Eto po oh. Maganda to, basahin niyo po habang wala ako, ha? Please, please, please?! Dapat tapos niyo na po yan pagdating ko."

Tumango-tango lang ako tapos ki-niss siya sa forehead, "See you in four weeks, be good kay daddy, Roxy." Tapos hinatid ko na sa dad niya. "Ingat kayo." Sabi ko sabay sarado ng pinto. Tinignan ko yung binigay sakin ni Roxy. Nakabalot pa siya ng wrapper na pangregalo.

Pagkabukas ko ng binigay ni Roxy, halos mabitawan yun ko sa sobrang gulat.. Biglang bumalik lahat ng ala-alang gusto ko nang makalimutan..

H.E.A.S.T.H.E.YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon