Chapter 55-6. Fifty Shades of Pepita!

Start from the beginning
                                    

“Tungkol kay Sef yan nuh?” Ngisi ni AJ sa akin.

“Seeeeecret!” Pabirong sagot ko naman sa kanya. Syempre, tungkol kanino pa ba? Haha. Wala pa akong sinasabihan ni-isa sa kanila na OFFICIAL NA KAMI NA NI SEF!!! Basta isa lang ang sigurado sila - malala na talaga ang tama ko. Mahirap nang magamot ang Love-Nat na ‘to mga kapatid!!! Ganito yung sintomas nung nag-simula akong ma-adik kay John Lloyd Cruz!!! Anakshuta Ellie, MASAMA TALAGA YAN!!! Eh bakit, may kasabihan nga tayo lahat naman talaga ng masama, masarap di’ ba? Hahaha. Ano raw?! Ewan sa’yo Ellie! Basta ko, masaya ako – in fact naguumapaw ang kasiyahan ko ngayon. Well, in love eh. Wala kayong magagawa!

“♪♪Oh yeah!!! I’m falling even more in love with youuuuu! Oh yeah, yeah, yeah letting go of all I’ve held on toooo!!! I’m standing here until you make me moooove!!! I’m hanging by a moment here with yooow---♪♪”

 

Napatayo na ko mula sa pagkakaupo ko sa tabi ni AJ and did some random dance moves successfully blocking his view from the television.

Em-Em started giggling. “Haha. Nababaliw na ‘tong si Ate oh!”

“Ako ba talagang hinahamon mo Eleonor Dimaculangan?” Tumaas ang kilay ni AJ, senyales na papatulan na niya ako. “Kung in love ka  talaga, ito ang nararapat na sinasayaw mo!” Tumayo siya sabay sing-and-dance sa harap ko. TAKE NOTE: Yung mala-Vice Ganda style. “♪♪Whoops kirri whoops kirri whoops Everytime I see youuu --- Whoops kirri whoops kirri whoops I want to know youuuu!!! ♪♪”

 

Anakshutang animales!!! Dance showdown na ‘to mga kapatid! Hahaha. Pero hindi ko talaga kinaya, humagikgik talaga ako ng tawa. Yung tipong naluluha na ako sa kakatawa. Sira-ulo talaga itong pinsan ko! Oh may gassss!!!

“Oh dali!” AJ held me by my arm and pulled me to his side. “Ikaw nga! Sige, gawin mo rin!”

He started teaching me the choreography, even Em-Em joined us kaya nagmistulang dance studio ang salas namin. Para kaming tangang tatlo sa kakasayaw. At nang tinamaan ako ng matinding kabaliwan, para na kong baliw na nagsasayaw ng kung anu-anong dance moves na wala ng kinalaman sa Whoops Kirri at syempre pati yung lyrics ng kanta ko iba na rin, “♪♪Kami na ni Sef! ♪♪ Woot! ♪♪ Kami na ni Sef! ♪♪ Yeah! Kami na ni Sef!!! Oh yeah! ♪♪ C’mon, sing with me ARANETA!!!”

I was totally lost in my own world and it was too late before I realized that AJ and Em-Em already stopped dancing. In other words, ako na lang ‘tong mukhang tanga. Yung itsura nung dalawang kasama ko eh yun bang pinipigil nila yung tawa nila.

“Eleonor!” Bigla akong tinawag ni Mama, kaya tuluyan na rin akong napatigil at napalingon sa likuran ko.

BAGABOOM!!!

 

Pano ba naman, pag-lingon ko yung ngiting-ngiting mukha ni Miguel Josef Uy Monteverde yung nakita ko. He was standing by the door frame, katabi si Mama. Literal na nanlaki ang mga mata ko. OH MY GAAAAAS, ELEONOR!!! Anong ginagawa mo?!?! Nakakaloka ka!!!

Wala na atang kasing pula ang mga pisngi ko sa mga oras na ‘to!!! SHEEEET!!! Alam niyo yung pakiramdam na parang nanlalata ka, na para bang gusto mong pumotchi na ewan at gusto mo na lang magsisigaw at mag-kulong sa kuwarto mo?! Yun yung nararamadaman ko ngayon!!! DEYUM!!!

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Where stories live. Discover now