"So hindi silang dalawa ang main admin, hinack nila para sa ganitong purpose. Impressive." napangisi ako.

"Pero kung impressive sila, ano pa tayo?" si G1 na may hawak ng M82A1.

"Oh my! Sniper!" namamanghang ani ko.

"Oh yes. Alagang-alaga ko 'to."

"Pero huwag muna tayong gumawa ng aksyon. Wala pang sapat na impormasyon." sabi ko.

"Hihintayin mo pang mamatay bawat isa sa pamilya mo?"

"What do you mean?"

"Look, Angela. Kung ngayon ay patikim palang nila, bukas o sa susunod ay malamang tigok na lahat," si J1. "Ano nga bang problema ng taong 'yon at magagawang patayin pati buong pamilya mo?"

"Yun nga. Hindi ko alam kung sino siya. Paano ko malalaman, diba?"

"Masyadong marami ka bang napag-tripan noon, Angela kaya hindi mo na maalala?" si Z1 na nakangisi pa.

"So anong point mo?" naniningkit ang mata kong sagot sa kanya.

"Na sa bawat isang napagtripan mo ay alalahanin mo at isipin mo kung anong pinaka-malala. Matalino ka, diba?" nakangising paring aniya.

"Eh bakit ba parang pinagtutulungan niyo ako dito?"

"Kasi ang pogi ko." si Christian. Mukhang baliw.

"Saan banda?" pag-bara ko.

"Wag niyo na ngang pag-tripan 'tong girlfriend ko! Pinagtutulungan niyo nanaman eh." tsaka siya yumakap sa akin mula sa likod ko.

"Aba'y ewan sayo. Seryoso kami dito, oh?" pagtataray ko. Tsaka siya nanahimik.

Hinila ako ni H2 at saka siya bumulong sa tenga ko, "Kakaiba akto ng boyfriend mo, Ate ah?"

"Paanong kakaiba?"

"'Di ba hindi naman siya ganyan? He used to be a jerky man. Maingay at palabiro."

Napa-isip ako sa sinabi niya, pero baka may sakit lang kaya siya nagkakaganon. Pero dalawang araw na. Dalawang araw na siyang tahimik at under. Literal na under.

"May sakit siguro siya," ani ko. "Alam ko ganyan siya pag mag lagnat siya." pinagpatuloy ko.

"Kung ako sayo, wag kang mawawala sa paligid niyang boyfriend mo, 'te."

"Bakit naman?"

"Just figure it out yourself, Sis." tsaka niya ako hinila muli pabalik sa grupo.

"Saan kayo pumunta?" si H1.

"Wala, may pinakita lang siya sa akin." pangangatwiran ko. They seem to be believing it tho.

"So, ayun. Ano na? Plano niyo?" sabi ko. Maiba topic.

"Wala pa, ikaw? Hinihintay namin kung anong iisipin mo. Ano bang hakbang gusto mo?"

"Alamin muna natin, kung sino ba nasa likod ng kaguluhang ito." ani ko nang nakatingin sa kawalan. At ang kamay kong nanginginig sa galit.

Napapikit ako at nag-isip ng malalim. Sino ka ba? Hindi ako naging bully, bukod sa mga taong nananakit sa mga mahal ko sa buhay, pati na sa sarili ko.

I can't name them. It's been a year, hindi ko na maalala. Hindi marami pero hindi ko na alam. Hindi ko maalala.

"Saan kayu tutuloy? Uuwi na ba kayo?" si G1, naitago na niya ang kaniyang M82A1.

"Maaga pa. Wala pang lasing sa daan na maaaring upakan." sagot ko.

"Easy ka lang. Upakan mo kung sino man gumawa sa iyo nito ngayon. Chill. Wait ka lang."

"Ayokong maghintay ng matagal, Misery. Inaasahan kong matutulungan niyo din akong lutasin 'to. Kailangan kong alalahanin kung sino siya."

"Angela ko, hayaan mo nalang yun." si Christian.

"Hayaan? A near death experience?! Hahayaan lang?! Ano bang nangyayari sayo Christian, ha?!"

"Wala.. baka kasi nagkamali lang sila at ikaw ang pinuntirya."

"No, the page? The pictures. The messages. Malabong nagkamali lang sila. What about the gun shot? Think. Matalino ka, Christian. Diba?"

"Hindi ako ma-matalino.." tsaka siya yumuko.

"You are. Kaya pwede ba? Stop thinking like an idiot."

"Nakaka-offend ka na ah..." muling umangat ang tingin niya sa akin.

"Para magising ka sa katotohanan na totoo na 'tong nangyayari at nanganganib ang buhay ko, at ng pamilya ko!" at siya ay hindi na nakatingin sa aking mga mata. Nakayuko na tila ba batang natatakot sa magulang.

That Nerd Is A GANGSTER! (COMPLETED: Under REVISION)Where stories live. Discover now