Chapter 1

16 5 1
                                    


Cinderella!!! Hoy cinderella gising na!!! Nangangarap ka na naman... Napamulat si cinderella ng maramdaman ang paulit ulit na pagyugyug at pagsigaw sa tenga nya ng kung sinumang na sumira na naman sa maganda nyang panaginip. Oo na NAMAN!! Dahil isang tao lang naman- maliban sa step mother and step sisters- ang nangangahas na gisingin sya sa maganda nyang panaginip lalo na kung kasama dun ang prinsipe. Muka agad nito ang nakita nya pagmulat nya kayat di nya napigilan ang sariling batukan ito. Bwesit ka. Panira ka talaga eh. Inis na turan ni cinderela sa lalaking nasa harapan nya. Ngumuso naman ito ng parang bata dahil sa ginawa nya at nagmamaktol na kumamot sa ulo, Grabe ka talaga.. Amasona... Babae ka ba talaga- saka nakatikim na naman ng panibagong batok mula kay cinderella. Aray grabe ka na talaga-

oh ano??? Bago pa man nya maituloy ang sasabihin naputol na ito sa mapagbantang titig at tinig nito, napanguso na lang sya. Kung hindi lang kita asdfghjk. Hindi na naintindihan pa ni cinderella ang kung ano pang sinasabi ni Everon kayat nagkibit balikat na lang sya. Bakit ba ang aga aga ginugulo mo ko? Kunyare ay naiirita nyang sabi. Bago pa man masagot ang tanong ni everon ay nakarinig na sila ng malalakas na yabag papalapit sa kwartong kinasisidlan nila at tulad na kanyang hinala ay ito nga ang kanyang madrasta na papalapit na sa kwarto ni cinderella na kunot na ang noo dahil sa hindi pa bumababa ito upang ipagluto sila ng agahan.

Malalakas na katok na halos sisira na sa pinto ang pinakawalan nya bago sinigaw ang pangalan ng dalaga. Cinderella! Ano ba?! Anong oras na! Bumangon ka na dyan- bago pa man magingay pa ito ng magingay ay binuksan na ni cinderella ang pinto.

Patawad i-

Napakatamad mo talaga, pumunta ka na dun at ipaghanda kami ng makakain

Mataray at nakataas pa ang kilay na pinutol nito ang kung ano pang sasabihin ni cinderella. Napa buntong hininga na lamang sya at tumango. Sasarhan na sana nya ang pintuan ngunit kaagad na pinigil nito.

At saan ka pa pupunta? Dibat sabi ko maghanda ka na ng aming makakain. Napakainutil mo talaga, cinderella!

Mataray pa ring turan nito.

Opo madrasta, may kukunin lamang ako sa loob at akoy papanaog na pababa. Malumanay na lang nyang tugon.

Tiningnan na lamang sya nito ng mapanuring tingin bago umalis at bumaba na sa makitid na hagdanan pababa sa magarbong pasilyo sa baba.

Napairap na lang sya at ngali ngaling ibagsak ang pintuan, ngunit naalala nya masyado na nga pala itong luma. Ang silid na kinalalagyan nya ngayon ay dating bodega noong buhay pa ang kanyang ama ngunit dahil sa muli nitong pag aasawa at pagkamatay nito sa hindi nya malamang sakit ay napunta sya sa imbakang iyon na tanging meron lang ay isang maliit na kama, malaking aparador at lamesa't upuan na nasa harapan ng bintanang nasa bahaging silangan.

Humarap sya sa bwisita nya, gumuhit ang pagtataka sa muka nya ng makita ang pagdilim ng muka nito ngunit agad nawala ng makita ang pagtitig niya at saka ngumiti.

Anong oras mo bang balak umalis Ron? Alam mong marami pa kong gagawin. Narinig mo naman diba?

Napaingos ito at ginaya ang madalas nyang gawin, pagirap at naiiritang tumitig sa kanya.

Grabe naman kasi yang madrasta mo. Sabi ko kasi sayo sumama ka na lang sakin. Masaya ka na may gwapo ka pang kasama.

Sabay kindat sa kanya. Tinaasan sya nito ng kilay at parang nandidiring tiningnan sya ni cinderella.

Haha. Pagpeke nito ng tawa. Mahal ko pa buhay ko para sumama sayo, mamaya kung saan mo pa ko dalhin. Alam ko namang patay na patay ka sakin eh.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jan 02, 2020 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

TAILS OF TALE SERIES 1: Shoe To PairOù les histoires vivent. Découvrez maintenant