Prologue

20 5 0
                                    


Malamyos na tugtugin, nagkikislapang mga palamuti at mga nakakasilaw na mga kasuotan ang tumambad sa dalagang si Cindy. Wari'y nasa isa siyang magandang panaginip, luminga pa siya sa paligid saka niya lamang napansin ang di makapaniwalang mga titig ng mga nasa loob ng bulwagang iyon.


P-prinsipe.. Nauutal at di makapaniwalang usal niya habang nakatitig sa binatang kanyang kaharap. Di pa rin sya makapaniwala. Na ngayo'y ang lalaking pinapantasya lamang nya ay nasa kanya ng harapan. Sino nga bang babae ang di mahuhumaling sa gwapong nilalang na ito. Ang mga makikislap nitong mata na kakulay ng dagat pasipiko, ang makinis nitong kutis na halos daigin na ang kanyang balat sa kinis, ang mapupula nitong labi na sa isip isip ni cinderella ay pinapantasyahang matikman ng bawat kababaihan at syempre kasama sya, ang makisig nitong katawan na halatang sanay sa mga labanan, ang matitipuno nitong braso na ngayoy kinukulong ang maliit na bewang ng dalaga. Parang nasa alapaap ang kanyang pakiramdam. Lalo na ng tumitig ang prinsipe sa kanya na puno ng pagkamangha at tanging sa kanya lamang nakatitig na parang sinasabing sya ang pinakamaganda at kahali-halinang binibini sa kasiyahang iyon. Sabayan pa ng banayad at malamyos na musika na nagmula pa sa mga batikang musikero ng palasyo. Malapad ang ngiti ng cinderella dahil sa makatuparang pangarap saka namula dahil sa paghaplos ng prinsipe sa kanyang pisngi ng may buong paghanga.. "Napakaganda mo binibini.. Nakapagtatakang hindi ko man lang naaalala ang napakaganda mong muka, imposible" nakakunoot ang noo na sabi nito ngunit halata pa rin ang kasiyahan sa muka nito dahil sa nakaguhit na ngiti sa labi nito. Sayang hindi kita agad nakilala" matatamis na mga salita ng prinsipe nanagpakilig sa dalaga. Halos mamula na ang pisngi nito na ikinangiti ng prinsipe. "Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan, binibini?" Biglang tanong ng prinsipe na halatang hindi nito napaghandaan. Nang makabawi ay agad sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi saka sinambit ang pangalang hinihintay ng prinsipe..

Cinde--

TAILS OF TALE SERIES 1: Shoe To PairWhere stories live. Discover now