"O sige. Bababa na."sya at inayos ang laptop ko. Hiniram nya kase guys.

"Tapos ka na?"tanong ko kase may hinahabol syang project.

"Lapit na."

May ilang inaayos pa sa kabinet nya kaya malaya kong nakuha ang phone nya.
Wala naman akong balak na buksan yun pero biglang umilaw kaya ayun in-unlock ko. Alam ko na ang iniisip nyo?
Bakit alam ko ang password nya?
Ang sagot..... Si ate ells kase!
Dahil sa kanya nalaman ko tuloy. Hehehehe!😆

Di ko syempre binasa ang message sa kanya sa halip tumungo ako sa gallery nya.
Pagbungad pa lang SYA na agad ang makikita mo or yung mga sweet photos nila dati.

"Uy, ba't pinakelaman mo?"si jho sabay hablot ng phone nya sa kin.

Umupo ako ng maayos tas matamang tinitigan sya na nakaupo din sa kama. Binasa na neto yung message sa kanya at kita kong napangiti ito.

"Sya ba yan?"ako.

"Ha?"si jho na Sandaling sumulyap sa kin pero agad ding binawi tas muling itinuon ang atensyon sa phone.

"May communication pa rin kayo ni...... Baham?"alanganin kong tanong sa kanya.

"Nukaba, beh? Si donya kaya ka text ko."sya pa rin tas bahagyang tumawa.

Ahhh... Akala ko kase....

"Wala na kameng communication ng gagong yun 'no. Nagpalit nga ako ng number di ba? Saka kahit magkita pa kame, wala na. Ubos na. Naka move on na ko."confident nyang sabe tas inilagay sa bulsa ng suot nyang short ang phone nya.
"Tara na nga."

Nauna na syang tumayo, di pa sya nakakalayo sa kin ng magsalita ako.

"Liar."ako tas tumayo na rin.

"Bakit na naman ba?"tiningnan nya ako ng nakakunot noo.

Lumapit ako sa kanya at huminto sa harap nya. Tinitigan ko sya sa mata.

"Kung gusto mo talagang maka MOVE ON for real... Dapat inuumpisahan mo yan sa pag delete ng mga photo nya at ng mga photos nyo together." Kinuha ko ang malaking bag nya at binitbit ito

Iniwan ko sya sa kinatatayuan nya.
"Di ba?"ako tas nauna ng lumabas ng room.



* end of flashback *















JHO



"Pasalubong ha."si Jamie tas nagbukas ulit ng cheetos.

"Noted."si bea tas dumukot sa binuksan ni jamie.

Nandito kame ngayon sa room ng dorm.
Actually, dapat kasama kame sa gala nila ate ly kaso tinatamad ako. Ayokong lumabas ngayon parang gusto ko lang humilata at matulog ng buong maghapon!
( "meron" kase ako ngayon mga bes.)

At ewan ko sa mga 'to kung bakit nagsigayahan sila sa drama ko?

( baka "meron" din sila! )

Sabay sabay talaga kame? Ganern? Kaloka ha.

Eto nga mga bes nagpaiwan sina Kim,Jamie, gizelle,jia at syempre si beh.
Nagtataka nga ako kay beatriz ba't nagpaiwan yun, eh sa pagkakatanda ko nung isang araw pa nilang pinagplanuhan itong pag gagala sa enchanted kingdom tas kanina nagulat na lang ako na di sya sumama.

Bale kase mga bes dapat ito sanang "gala" namen ay ang magiging huling "gala" para sa season 77. Pa-farewell sana sa mga seniors namen na grumaduate na but unfortunately masakit ang puson ng JHO-SA nyo kaya dito na muna ako.
Pero 'tong mga kasama ko ngayon? Ewan ko.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now