Unang Kabanata:

8K 31 2
                                    

"Baekhyuuunnn!!!!" sigaw ng  lalaking kinapos ng konti sa height na may malaking mata at hugis pusong mga labi habang patakbo sa isang cute at may kaliitan ding lalaki.

Lumingon naman ang tinawag at ngumiti ng pagkalaki na halos mapunit na ang kanyang mukha.

"Kyungie!!" sigaw pabalik ni Baekhyun at lumapit sa tumatakbong penguin.

Malapit na si Kyungsoo. Konti nalang kundi lang siya pinatid ng nag-iisang Kim Jongin or Kai. Kasama niya sina Sehun at Kris.

Napasubsob ang cute na penguin at nag-aalalang lumapit si Baekhyun sa kaibigan na bumaon ata ang mukha sa damuhan ng garden.

"Kyungie okay ka lang ba?" tanong ni Baekhyun habang tinutulungang tumayo si Kyungsoo na nabasag ang labi at nagasgasan ang kaliwang pisngi. Ngumiti naman si Kyungsoo at nagpagpag ng pantalon.

"Ayus lang Baek. Sandali lang ha? Dyan ka lang wag kang aalis hangga't di ako bumabalik. Baka nakawin ka ng mga malibog dyan sige ka." babala ni Kyungsoo at tumango lang ang bulinggit.

Lumapit si Kyungsoo sa mga lalaking halos mamatay sa kakatawa. Kinwelyuhan niya si Kai at inilapit ang mukha niya sa mukha nito. Ngumisi naman si Kai, hinihintay ang susunod na gagawin ng cute at nangagalaiti sa galit na penguin.

"Ano bang problema mo ha Kai?! Tangina mo rin no! Gago ka talaga!" sigaw ni Kyungsoo pero hindi man lang kumurap si Kai.

"Kasalanan ko bang tatanga-tanga ka at lampa ha Kyung? Ang laki-laki ng paa ko imposibleng hindi mo makita. Sa laki ng mata mong yan." Pang-iinsulto niya.

Lalong nagalit si Kyungsoo dahil ayaw na ayaw niyang iniinsulto ang mga mata niya kaya naman in danger na itong si Kai.

"Wala king masabi? Nalunok mo na ba yu—Fuck!" daing ni Kai dahil tinuhod lang naman siya ni Kyungsoo dun sa you-know- where-it-hurts-the-most niya.

Binitawan ni Kyungsoo ang kwelyo niya at tumakbo palayo sa natumbang Kai na dumadaing sa sakit.

"Tara na Baek. Punta na tayo sa classroom. 15 minutes nalang bago first period." sabi ni Kyungsoo na para bang walang nangyari.

"Hindi. Punta muna tayong clinic. Yung sugat mo oh. Gamutin muna natin." pagtutol ni Baekhyun at tumango nalang si Kyungsoo na may ngiti sa labi at ginulo ang buhok ni Baekhyun.

"Ako na mommy mo simula ngayong lumipat ka dito sa SME Academy. Ipagtatanggol kita sa mga mambu-bully sayo kagaya nung lalaking yun kanina." sabi ni Kyungsoo at itinuro si Kai na itinayo na ng mga kaibigan niya. Binelatan lang siya ni Kyungsoo ng samaan siya ng tingin nito.

"Sino ba yon?" tanong ni Baekhyun habang naglalakad sa tabi ni Kyungsoo papunta sa clinic.

"Siya si Kim Jongin or Kai para sa mga nakakakilala sakanya. Siya ang nag-iisang peste sa buhay ko." sagot ni Kyungsoo.

"Ah. Okay. Eh sino yung dalawang kasama niya?" usisa ulit ni Baekhyun.

"Yung rainbow ang buhok ay si Oh Sehun at yung blondie ay si Wu Yifan o Kris." sabi ni Kyungsoo at tumigil sa harap ng clinic. Binuksan niya ang pinto at pumasok don alangan namang lalabas siya no. Pumasok din si Baekhyun at tinulungan si Kyungsoo sa paggamot ng mga sugat niya.

-meanwhile-

"Tangina tol! Ang epic ng mukha mo kanina! Hahahahaha!" sabi ni Chen na nasaksihan ang buong eksena.

"Hyung naman eh! Nasaktan na nga betlog ko ginaganyan mo pa ko! Baka di pa ko magkaanak niyan!" pagdadabog ni Kai.

"Pero nakita niyo ba yung kasama niyang lalaki kanina? Transferee siguro no?" sabat naman ni Luhan, boyfriend ni Sehun.

"Anong itsura niya?" tanong ng isang malalim na boses mula sa likod nila. Liningon naman siya ni Luhan at nginisian ito.

"He's definitely your type Yeol." sagot niya at napangisi ang tinawag na Yeol.

"Pero sigurado babantayan yun ni Kyungsoo. Lalung-lalo na sayo Park Chanyeol." sabat ni Suho na nagbabasa ng chemistry book. Matalinong bata.

"Akong bahala dun. This is gonna be fun." sagot ni Yeol at nagsimulang maglakad palabas ng classroom ng—

"Aray!"

SEX? Ano Yun? [TAGALOG]Where stories live. Discover now