Nakita pa niya si Sari noong makatanghali, angkas ito sa motor at papunta ang direksyon dito sa niyugan. Nang papunta siya dito ay nakita pa niya ang motor na naka-park sa may gilid ng kalsada. Nanlaki ang kanyang mga mata sa napagtanto. Hagip ang cellphone, tatawag na sana siya nang may narinig na boses sa may tuktok ng burol.

Dali-dali siyang nagtago at ikinubli ang sarili sa mga palapa ng dahon ng niyog. Pilit na pinaliit ang sariling katawan dahil papalakas na ang tinig na nagsisimula na niyang katakutan.

"Kung di ka nag-inarte di sana buhay ka pa ngayon. Bukas pag naggawa ng uling, siguraduhin mong matatakpan yan para walang ebidensya. Mahirap na baka sumabit pa tayo!"

May bagay sa paanan nito na nakasako, wari'y naglalaro ng soccer na sinisipa-sipa ito. Maya-maya ay iniumang nito ang paa sa sako na noon niya lang napansin ay puno pala ng dugo. Sinipa nito nang malakas ang sako, at tumalsik ito, swak sa butas na pinaggagawaan ng uling.

"Goal!!!!" Sigaw nito, sumayaw-sayaw pa matapos sipain ang ulo ni Sari na parang bola. At siya, ang piping saksi, ay walang nagawa kundi tahimik na lumuha.





LUMINGA SA PALIGID si Fatima, kabado at bumburumbumbum ang tibok ng puso. Papaanong nagkaroon ng shabu sa bag niya?!

"Putang inang yan! Hindi na 'to pambu-bully, lantarang paninira ng buhay na 'to! Sinong talipandas ang naglagay neto dito?! Kahayup-hayupan ka!"

Maingat na inipit niya sa bra ang sachet, at saka tinungo ang banyo para doon i-flush ang item. Gigil na gigil at nagpupuyos sa galit na bumalik siya sa dresing room.

Nakumpirma ang kutob niya na bukod sa bentahan ng katawan ay may umiikot ding droga sa Notary Public. Hindi para sa mga parukyano, kundi sa mga trabahador nito. Baka nga pati si Sassy Chrissy eh gumagamit din. Kundi ba naman, magdamag na gising pero nakukuha pa ring tapusin ang mga gawaing bahay! Laging hyper!

Nang mismong oras na iyon, nagdesisyon siyang umalis ng bar. Mapapalagpas niya ang paglalagay ng gamit na napkin sa bag niya, at ang pag-iiwan ng durog-durog na bote sa pouch niya, pero shabu? That's too much! Kailangan na niyang makausap si Vanessa! Lintik na balyena yan, kailangan na n'ya 'kong kalingain!





ILANG LINGGO NANG NAGMAMANMAN SI ANTONIO sa village nina Vanessa. Simula nang umalis sila sa isla ay hindi na nila nahanap si Gelo. Talagang itinakbo na ng 'tadong yun ang painting! Kaya si Vanessa ang tinitiktikan niya, at baka sakaling makahanap siya ng clue kung nasaan ang lalaki.

Kasalukuyan niyang ini-stalk ang security guard ng village nang may dumating na bakla, nagtatanong ata ng direksyon. "Manong, saan ba dito yung 16B Sta. Inez St.? Malapit daw po sa clubhouse. I'm looking for Vanessa Dingle, sounds like tingle! Hihihi! Here's my ID, I'm her close friend. May ibibigay lang akong documents from the office." Dudang sinipat ng bantay ang ID nito, wari'y naiiling pa. Karamihan sa mga bisitang pumupunta doon ay de-kotse, walang naglalakad.

Pinagmasdan niya ang bakla. Drag queen! Tanghaling tapat ay kuntodo makeup ito, nakasuot ng wig na makapal, heels na mataas at bag na eskandalosa. Ano kayang kailangan nito sa balyena at hindi man lang muna nagbura ng makeup bago rumampa?!

"Wala dito ang hinahanap mo, pero pwede mong iwan yang ide-deliver mo dito sa guard house, iaabot ko na lang pagdaan ng assistant ni Ma'am." sabay lahad ng kamay nito na para bang kinukuha na ang ide-deliver at pinapaalis na ito.

Hindi siya nakatiis at bumaba na ng delivery van. Lumapit siya sa guard house at naglabas din ng mga envelope na ide-deliver. Naka-uniporme siya na pang-courrier, may pekeng id pa! Parte ng cover na dati na nilang nagagamit kapag may raket.

CROOKS-TO-GO Book 2Antonio: The Deceitful CrookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon