"N-Nay..."


"Nakikiusap ako Anak, bigyan ninyo ako ng isa pang pagkakataon" pakiusap niyang nagsusumamo.





---

Medyo magulo ang isip ko sumunod na araw. Dagdag pa kay Nanay at kay Nate.


"Ayos ka lang?" si Nate na nagmamadaling lumabas ng kwarto. Nitong mga nakaraang araw ay halos hindi kami nagpapang abot sa bahay. Madalas ay tulog na ako pagdating niya.


"Nagmamadali ka ba?" mahinang turan ko.


"Oo eh, may problema ba?" aniyang nagbibihis. Gusto kong ikonsulta sa kanya ang tungkol sa pagdating ni Nanay.


"Ha, ano kasi eh..."


"May good news pala ako sa iyo, alam mo bang double platinum na ang album namin, tapos miilion na ang hits sa youtube ng video namin!, nominee din kami sa isang international awards" ngiti niyang napatango ako ng marahan.


"..at eto pa, may isang International company na naman ang kumakausap kay Tita Elsa" ngiti niyang malapad.


"Ah ganoon ba" ngiti kong pilit.


"Hayaan mo tatapusin ko lang kontrata ko at malapit ng matapos ito" ngiti niya.


"Ano nga pala ang sasabihin mo?" tanong niyang hawak na ang kanyang laptop at bag.


"Ha? Ah eh, wala...may aattenand kasi na conference si Neya sa Cebu, ipinapaalam ko lang sa iyo" sagot ko.


"Ah ganoon, sige okay lang sa akin, ikaw na lang pumirma ng consent niya okay?" ngiti niya.


"I love you Sara" yuko niyang abot sa aking labi.


"Mauna na ako okay? wag kang mag alala hindi ko kakalimutan yung lakad natin sa susunod na weekend, nakareserve na ako doon" ngiti niyang tinanguhan ko.





Bigo akong napayuko, naguguluhan ako sa sitwasyon namin, para sa mga kapatid ko.

-

"Sara" si Nanay na may malapad na ngiting muli.


"Para sa inyo" abot niya sa napakaraming shopping bags.


"Pwede ko ba kayong mayayang kumain?" aniyang tinanguhan ko. Siya pa rin naman si Nanay.


Nang sumunod na araw ay ganoon pa din, nag aya si nanay kumain at nag abot ng ilang regalo para sa mga kapatid ko, aniya'y pinupunan niya ang mga taon na wala siya sa tabi namin.


Kahit ako ay lito. Dinial ko ang numero ni Nate na hindi ko makontak, napagpasyahan kong puntahan siya sa studio.


"I'm sorry Miss, wala kang ID" ani ng guard ng mapansin ako ng bagong PA ni Nate.


"Miss Sara" ngiti niya. Kinausap niya ang guard, sumunod ako sa kanya.


"Sandali lang po, sasabihan ko si Sir Nate" ngiti niya ng masalubong namin ang Manager nina Nate. Si Ma'm Elsa na kinuha ang atensyon ng PA.


Naghintay ako sa loob ng naisipan kong sumilip. Tanaw ko sina Nate na nag eensayo katabi niya si Katrina na nagtatawanan, parang may kumukurot sa aking dibdib. Isinilid pa ni Nate ang takas na buhok ni Katrina sa kanyang tenga, at humawak sa kanyang baywang.


"Ang sweet nila no?" boses sa aking likuran.


"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa" matigas na boses ng manager nila na hinatak ako palayo.


"Hindi ka nababagay kay Nathaniel, infact balakid ka sa mga pangarap niya! alam mo bang pangarap niya ito? pero tuwing naiisip niya ang obligasyon niya sa inyo, pinipigilan niya ang kanyang sarili. Gusto nila ang isa't isa, ikaw isa ka lamang liability sa kanya. Balakid ka sa mas pagsikat niya-" aniyang walang kagatol gatol.


"H-hindi totoo yan!"


Natawa siya ng mahina.


"Dahil sayo, hindi pumirma si Nathaniel sa isang kontrata, hindi ka nababagay kay Nathaniel-" aniyang muli.


"Ang kailangan niya ay isang babaeng nababagay sa kanyang estado ngayon, katulad niya" turo niya kina Katrina at Nate na halos magkadikit na ang katawan.


"IIwan ka niya, maniwala ka...hindi ka ba nagtataka kung nasaan si Nate kapag hindi siya umuuwi sa inyo?" ngisi niyang hindi ko na hinintay ang susunod na salitang lalabas sa kanyang bibig. Kusa akong lumabas ng studio.


Literal akong napahawak sa kaliwang parte ng aking dibdib. Bakit parang hindi ako makahinga?


Parang kinukurot ang dibdib ko sa sakit.


***

thanks for reading.

Sara and Nate 2 ( Holding You Tight )Where stories live. Discover now