S & N 15 (HYT)

1K 74 35
                                    




***

Ate!"

Natigilan sina Neya at Ryan ng makita kung sino ang nasa tabi ko ngunit si Ria ay dumiretso ng yakap sa akin.

Lumuhod si Nanay na lumapit kay Ria.

"A-Ate?" Si Ria na nagtatanong sa mata.


"Ria, siya si Nanay" mahinang sambit ko. Napatingin ako kay Ryan na sinenyasan kong lumapit. Tahimik naman nakasunod si Neya. Yumakap si Nanay kay Ryan, blankong ekspresyon lamang ang naging tugon ni Ryan.

"Namiss ko kayo Anak, sobra! sobra!" hagulgol ni Nanay nahalos pinagtitnginan na kami ng mga tao sa eskwelahan nina Ryan.

"U-uhm, Nay...pwede ba tayong mag usap sa isang pribadong lugar" ani ko.

"Huh? oo! oo! pasensiya na kayo hindi ko napigilan eh!" malapad na ngiti niya. Napatingin siya kay Neya.


"Si Neya po" pakilala ko. Nagmano si Neya.


"Anlaki mo na, ang bata mo pa ng huli kitang makita" ani ni Nanay muli.


Nag aya siya sa isang restoran. Sumakay kami sa sarili naming sasakyan, tinanaw ko ang sasakyan ni Nanay na magarang magara din.


"A-ate..." Si Ryan.


Napangiti akong humaplos sa kanyang ulunan. Kahit ako lito rin.





"Mag order kayo ng kahit anong gusto ninyo" masayang tugon ni Nanay na hindi ko napigilang titigan lamang siya.


"Gusto mo ba ito Anak?" masuyo niyang tanong kay Ria na hinihiwaan ng manok, ganundin si Ryan na tahimik lamang.


"Kamusta na kayo?" tanong ni Nanay na bumaling sa akin. Pumisil siya sa aking kamay. Nag aya si Neya kina Ryan na tingnan ang mga cakes sa gilid.


"Maayos naman po" tugon ko.


"I'm sorry Anak, ngayon ko lang kayo nahanap. ipinahanap ko kayo, maniwala ka" aniyang sumamo.


Napatango ako ng marahan. Hindi ko rin alam kung ano dapat ang magiging reaksyon ko.


Humaplos siya sa aking pisngi. Nangingintab ang kanyang mata na tumulo ang likido sa kanyang pisngi.


"Anak...patawarin ninyo ako, patawarin mo ako sa malaking pagkukulang ko" aniyang napahagulgol muli.


"Sorry! sorry! kung iniwan ko kayo! kailangan kong lumayo para makapag ipon at balikan kayo! sorry at natagalan ako!" pag iyak niyang hindi ko napigilang mag init ang sulok ng aking mata.


"Nay..."


"Sorry Sara! humihingi ako ng tawad sa inyo!" aniyang hindi ko napigilang aluin.


"Patawad anak..." hagulgol niya.


"Patawarin mo ako Anak, nang iniwan ko kayo, sumama ako sa Hapon kong kostumer nuon, nagbakasakali akong magiging maayos ang pagsama ko doon para mabalikan ko kayo ng agaran... ngunit hindi ako sinewerte sa kanya kaya natagalan anak ang pagkuha ko sa inyo. Nakulong ako sa Japan ng tatlong taon hanggang may nagkagusto sa akin na isang Hapon uli, kumapit akong muli para makalaya, at gumawa ng paraan para mabalikan kayo" aniyang naglalandas ang luha s aknyang mata.


"...maniwala ka anak, hindi ko ginustong iwan kayo, mahal na mahal ko kayo, walang araw na hindi ko kayo naiisip" aniyang nagpalis ako ng sarili kong luha.


"Sa awa ng Itaas, hindi naging marahas ang kinakasama ko ngayon, bagkus naintindihan ang paghahanap ko sa inyo, bumalik ako sa tinitirhan natin at nasabi nga ni Aling Maria na matagal na kayong wala doon, pinahanap ko kayo"


Sara and Nate 2 ( Holding You Tight )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon