S & N 11 ( H YT)

892 60 7
                                    



***

"Mauna na po kayo Kuya" bilin ko sa driver na kinuha ni Nate para sa amin. Nagpahatid ako sa shop ni Ma'm Sally, doon ko kikitain si Annika.

Kamot ulong nag alinlangan ang driver.

"Mam, baka magalit po si Sir Nathan eh, bilin po kasi niya sa akin na hintayin ko daw po kayo" aniyang medyo may pag aalala.

"Ako na pong bahala sa kanya, kitain niyo na lang po ako sa eskwelahan nina Neya, didiretso po ako doon" giit ko.

"Eh kasi Mam-"

"Ako na pong bahala, wag po kayong mag alala" sabad ko. Napatango ang driver na walang nagawa.

Tinanaw ko  ng tingin ang driver na napailing pang napakamot ng batok. Mabilis lumipas ang panahon, Halos nasa huling taon na ako ng aking kurso. Nasa kalagitnaan din na kasikatan sina Nate, lahat ng inilalabas nilang album ay nabibili, madalas din sila ang laman ng billboards sa mga endorsements, kahit sa telebisyon at radyo ay ang kanilang awitin ang maririnig at mapapanood mo. Hindi maitatangging nasa rurok sila ng tagumpay, puno rin ng tropeo sa mga nakuhang awards sina Nate, ngunit kasabay nun ang unti unting pagbabago ng aming buhay. Habang nasa industriya ng showbiz si Nate ay ramdam na ramdam namin ang unti unti niyang distansya sa amin.

Oras at panahon ang namamagitan sa amin. Masyado siyang abala sa trabaho. Kasabay din nun ang kabi kabilang intriga na nakadikit sa banda nila kabilang at lalo na sa kanya, kung noon ay si Shine Diaz ay ngayon ay kung sino sinong sikat na artista o anak ng bigating personalidad sa showbiz.

Kumakapit ako sa pangako niya, ang kasiguruhan sa aming relasyon.

Isa lamang akong ordinaryong babae kumpara sa mga nalilink sa kanya ganunpaman madalas din ay ipinapaliwanag niyang parte iyon ng kanyang trabaho. Hindi maikakailang mas maalwan ng maraming beses ang buhay namin ngayon ngunit bakit parang may kulang pa rin?

Hindi perpekto ang relasyon namin ni Nate, ang pagtatalo namin sa pag aaral niya, ang manager niyang hindi namin makasundo ni Neya, at ang pagseselos niya sa ilang kasama ko trabaho at kay Kuya Anton, at madalas sa mga babaeng nakaaligid sa kanya. Batid kong kailangan niyang itago ang relasyon namin sa publiko para sa aking pribadong buhay at trabaho ngunit nakakaramdam pa rin ako ng hinanakit tuwing napapanood ko siya sa telebisyon.

"Sara!" Gulat akong napalingon.

"Ano bang iniisip mo? Kanina pa kita nakikitang nakatayo diyan?" Si Ma'm Sally na nakapamaywang na nakangiti. Mangilang ngilang tao lang din ang nakakaalam sa relasyon namin ni Nate, mga taong alam kung saan kami nagsimula.

"Ha? eh sorry po" ngiti ko.

"Hinatid ka ba ng driver ninyo o ni Nate?"

"Driver po" tipid na sagot ko.

"Ah ganoon ba?, halika na dito sa loob, nasa itaas si Annika" aya niyang tinanguhan ko.


"Mam, eto nga po pala yung inorder ninyo sa shop namin" labas ko sa inorder niyang sa aming  online shop namin.

"Naku salamat!" aniyang inabot ang bayad sa akin.

"Ang sipag mo pa rin, pwede ka naman kasing hindi na magtrabaho" komento niya.

"Gusto ko po kasi yung ginagawa ko" sagot ko.

Sara and Nate 2 ( Holding You Tight )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon