CHAPTER 12

2.5K 88 12
                                    

7PM natapos ang klase ko at mamayang 9PM na ang acquaintance party sa Supreme Hotel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

7PM natapos ang klase ko at mamayang 9PM na ang acquaintance party sa Supreme Hotel. Pupunta lang talaga ako doon para sa extra points. Kailangan ko talaga iyon e. Siguro'y maglalagi na lang ako mamaya sa veranda hanggang matapos ang program.

Napagdesisyunan kong isuot ang lace dress. Hindi dahil sa sinabi ni JD pero dahil gusto ko talaga ito noong una pa. Wala na akong balak magpa-make up. Pupuntahan sana ako ni Lexie kaso lang ay mag-oovernight daw ang group nila para sa isang project.

"Lalabas kang ganyan?" pigil sa akin ni Ate Ria nang makita niya akong nagsusuot ng ballet flats. Napangiwi ako nang makita ko ang nangingitim na mga eyebags niya.

"Bakit?" tinatamad na sagot ko.

"Rachel!" protesta niya. Pinaghahatak niya ako paakyat sa kuwarto niya. Hindi na ako naka-angal nang pahiran niya ng kung anu-ano ang mukha ko.

"Baka magka-pimples ako niyan!" protesta ko.

"Aba, conscious ka na sa mga ganitong bagay? Parang kailan lang e wala ka pang boobs," natatawang sabi niya.

"Tschh." Napanguso nalang ako.

"Alam ko na hindi na tayo masyadong nagba-bonding. Babawi ako, promise. Spa tayo sa susunod." Inayos niya ang bangs ko. Parang gusto kong maiyak. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na si Ate at na wala na akong kasama sa mga all nighters para lang manood ng Supernatural. Ako na kasi mismo ang dumistansya kay Ate simula nang grumaduate siya at magkatrabaho. I anticipated the change but I didn't want to face it.

"Ate, nagbago ba ako?" tanong ko bigla.

"Hmm, in what way? Because your boobs are larger than mine now!"

"Ate!" Hinampas ko ang hita niya.

"May problema ba? Sean? School? Talk to me."

"Everything. Nahihirapan akong mag-adjust sa kurso ko, hindi ko alam kung kaya ko ba 'tong gawin ng limang taon. Pati sa long distance relationship namin ni Sean," simula ko.

Sa huli ay madali kong nasabi kay Ate ang halos lahat, pati na ang mga sinabi ni JD sa akin. Sana kasi ay ako mismo ang lumapit kay Ate. Siguro nga ay ito ang isa sa mga sinasabi ni JD. Iyong may gusto akong gawin pero hindi ko itinutuloy dahil masyado akong nag-aalala na disappointment at failure.

"Hinay-hinay lang, Rache. Bata ka pa, not that you should take things for granted, but don't rush it. You know your priorities, which is good, but remember that you're trying your best sa lahat kaya naman sa huli, kahit na hindi ang inasahan mo ang magiging resulta, be proud that you gave it your all," komento ni Ate sa mga sinabi ko.

"Ang kurso ko ba ang pinag-uusapan natin o si Sean?" lingon ko. Tapos na siya sa pag-aayos ng make up at buhok ko. Naalala ko tuloy noong grad ball at nang isayaw akong una ni Sean.

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon