"Both. It's all up to you in the end. Kung hindi mo na kaya, ipipilit mo pa ba?" tanong ni Ate. Sakto namang tumunog ang doorbell. Dahil wala pa si Mama, si Ate na ang bumaba. Inililipat ko kasi ang gamit ko sa bag na kakapahiram ni Ate.

"Rache, may susundo ba dapat sa'yo?" silip ni Ate nang makaakyat siya.

"Wala."

"Well now, you have one." Ngumisi si Ate. Naintindihan ko lang ang sinasabi niya nang makita ko si JD sa sala namin. May hawak siyang bouquet of pink roses at isang malaking bear na stuffed toy.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Ano 'yan?!" sabi ko agad nang malalpitan ko siya.

"Uhm, Rache," sabi ni JD saka napatingin sa likuran ko. Nakalimutan ko tuloy na nandoon si Ate. Ipinakilala ko si JD kay Ate and vice versa.

"Ihahatid mo ba si Rache pauwi? Huwag masyadong late, okay?" sabi bigla ni Ate. Nanlaki nanamn ang mga mata ko. Hindi ko date si JD or something!

"Yeah, opo," sagot naman ni JD. Kinausap at pinaalalahanan ako ni Ate bago siya tumungo sa kusina para daw 'makapag-usap' kami. Alam ko namang nang-aasar lang si Ate pero nakakahiya talaga. Baka kung ano pa ang isipin ni JD.

"These are for you. From Sean. Roses and bear? Not really my style," sabi ni JD habang inaabot sa akin ang mga hawak niya. Bakit parang hirap na hirap siyang magsalita?

"Huh? For?"

"Belated happy monthsary daw. Nadelay dahil sa bagyo, este, nakalimutan kong asikasuhin," ngumisi siya. Now, that's more like JD. But somehow, I know he's faking it.

"Salamat, iaakyat ko lang." Inabot ko ang mga iyon saka tumungo sa kuwarto ko. May isang envolope na nakasingit sa mga bulaklak.

'I miss you a lot that it hurts to celebrate this day without a hug or a kiss. Please just trust me, Rache. Happy monthsary, I love you so much.'

I pressed my lips together. Naramdaman ko agad ang pangungulila. Siguro kaya ganito ako kay JD ngayon ay dahil sa namimiss ko ng sobra si Sean. That must be it. Kaso lang, hindi talaga ako nakokontento. May kulang, may nawalang magic.

"So, tama nga si Mama. Kahawig niya si Papa noong bata pa ito," sabi ni Ate nang pumasok siya sa kuwarto ko. Hawak niya ang make up kit niya na para bang inasahan niya na iiyak ako—well, tama siya. Namumuo na ang mga luha ko dahil sa sobrang lito, inis, lungkot—lahat na! Parang hindi ko na alam kung ano nga ba ang gusto, kung may prinsipyo nga ba akong sinusunod.

"Si Mama talaga," sambit ko nalang. Lumapit si Ate para mariing punasan ang nagbabadyang luha ko at ayusin nag-smudge na mascara at eyeliner.

"Just take it slow and not worry about everything. For now, have fun at the party," malambing na sabi niya.

Pagkababa namin ay nagpaalam na kami ni JD. Pinaalalahanan ulit kami ni Ate na dapat diretso kaming umuwi. Ngiting-ngiti pa si JD sa loob ng bahay pero sobrang sumeryoso siya nang makasakay na kami sa kotse niya. I knew it.

"Vintage ba 'yang suot mo?" puna ko sa kanya. Naka-black jeans at plain black shirt lang kasi siya. 'Yung jacket niyang itim rin ay nasa may backseat.

"Yeah. Oo nga pala, bagay sa'yo," sagot niya. His words felt forced.

"Hindi ko sinabi na pupunta ako sa party pero nandito ka. Humingi ba si Sean ng pabor sa'yo?"

"Yeah and I can't say no." Pinaandar niya ang sasakyan at ni minsan ay hindi na ulit kami nag-usap. Parang may malalim din kasi siyang iniisip at hindi na ako nag-abalang tanungin kung ano 'yun dahil mukhang hindi rin siya sasagot.

"Rache," tawag niya sa akin habang naglalakad kami. Tiningnan ko siya saglit.

"Huwag kang lalayo sa akin mamaya," tuloy niya.

"JD, hindi mo 'ko kailangang bantayan. Just do your thing and flirt with girls, I won't be a bother, promise," iritadong sabi ko saka dumiretso sa elevator.

Sumunod din siya agad at sa oras na sumara ang pinto, he pinned me on the wall by clutching both of my shoulders.

"Do you really see me as a trash?" He bit his lower lip.

"Wala akong sinabing ganoon!" nagpumiglas ako pero hindi niya ako pinakawalan.

"Then, what?" he demanded.

"Ano bang paki-alam mo sa opinyon ko sa'yo? Magkaibigan tayo, tapos. Tsaka JD, please, sa susunod na humingi si Sean ng ganitong mga pabor, don't do it. Alam ko na napipilitan ka lang. Hindi mo ako obligasyon," sumamo ko. Binitawan niya ako.

"Kaibigan ko kayong dalawa," sabi niya. By the way he said, it's like he's not even convinced that it's the real reason why he's doing all of this.

Gusto kong sabihin sa pagmumukha niya tumigil na siya dahil hindi si Sean ang nakikita ko sa tuwing may ginagawa siyang ganito. Hindi si Sean ang nagbigay ng flowers at stuffed toy, hindi si Sean ang sumundo at naghatid sa akin dito sa party at lalong-lalo na, hindi si Sean ang nagbibigay sa akin lakas ng loob sa tuwing gusto kong bumigay sa pag-aaral.

"Magtataxi na ako pauwi," sagot ko.

"We're going home together. Kakaladkarin pa kita kung kailangan."

Hindi na ako nakipagtalo. Dumiretso ako sa table ng mga classmates ko na madalas kong maging groupmates kaya't komportable ako. Nang dumating si Dean para sumama sa table ay automatic na hinanap ng mga mata ko si JD. Nang makita ko siya ay abala siya sa pakikipagtawanan sa mga kasama niya.

"Rachel! Are you still dating Sean?" tanong ni Charlene na kararating lang. Dapat si Dean ang uupo sa tabi ko per siya ang kusang umiwas.

"Kilala mo si Sean?" nagtatakang sabi ko. Si Charlene ang isa sa mga maingay sa klase namin pero ni minsan ay 'di ko pa siya nakakausap.

"Pareho tayo ng pinasukang high school! Never nga lang naging mag-classmate. Kakalaman ko lang kanina mula kay Dean," sagot niya.

"Ah, sorry hindi ko kasi kabisado ang buong batch. At oo, kami parin ni Sean." Ngumiti ako.

"Good to know," aniya saka bumaling sa ibang nasa table. Minsan ay nawawala ako sa usapan pero si Dean mismo ang gumagawa ng paraan para masali ako sa kuwentuhan. I did my best to chat but all I really want right now is to sleep.

---

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon