"Uy si Ryder oh! He's with our classmates." Iris said pero mukhang may ibang plano siya sa pagbanggit ng pangalan ni Ryder. Lumigon ako para makita ang mga kaklase namin. "Ryder dito!"

Napansin kong nabigla ang mga kaklase namin nang makita si Eros. Almost the same reaction as mine. Dingutong nila ang ibang lamesa kaya ngayon para kaming nasa isang conference meeting. Kahit pinipilit nila na hindi ma-awkward alam ko na yun parin ang nararamdaman nila. Sino ba naman ang hindi ma-iilang kung kaharap mo lang naman ang isa sa pinaka strict na professor mo?

"Don't be awkward with me. Tapos na kayo sa klase ko at hindi ko na kayo maha-handle next sem so it's fine." Parang nakahinga naman ng maluwag ang mga kaklase ko. Kanina pa kasi sila tahimik at parang nagpipigil dahil kasama namin si Eros. Hindi ko sila masisisi dahil ganon din ang nararamdaman ko. Ang pinagkaiba lang, sila ayos na nang malaman na hindi na nila magiging prof si Eros pero ako hindi parin dahil hanggang sa bahay nandoon siya. Hindi kasi maganda yung huli naming pag uusap nang magpaalam ako.

"So sir pwede ka na namin tawagin ng Eros nalang?" Pabiro ng isa naming kaklase.

"Hindi ko pa nasusubmit yung mga grades niyo. Pwede pa akong magbigay ng bagsak na grade." Natahimik lahat sa lamesa. "Joke."

"Si sir joker pala." Nagsitawanan naman sila pero yung awkward na tawa na parang kinakabahan parin. Hindi ko na mapigilang matawa dahil sa kanila. Nakakatawa kasi yung mga pagmumukha nilang lahat. Hindi kasi nila alam yung mabiro na side ni Eros.

"Tawagin niyo nalang akong Eros. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin."

"Talaga sir? So may chance na ako sa inyo ngayon kasi di ko na kayo prof!" Nagsitawanan kami sa lamesa nang marinig ang sinabi ng bakla naming classmate na si JLo. Yun ang gusto niyang itawag namin sa kanya pero ang real name niya ay Jake Lorenzo. "Wag kayong mag alala sir masarap ako magluto! Bubusogin ko kayo palagi."

"Really? Psyche's a good cook too." Natahimik sila at lahat ng mata ay nabaling sa akin. Everyone was as silent and waiting for me to speak. Sa sobrang pagkabigla dahil sa sinabi ni Eros hindi ko na alam ang sasabihin ko. Even Belle and Iris is looking at me suspiciously.

"Pano mo po sir nalaman na masarap magluto si Psyche?" Tanong ng isa naming classmate kay Eros na busy lang sa pagkain. He shrugged.


"Idan's wife is my sister and she's bestfriends with Payche. Sofia and I had dinner with her once. Sabi nila si Psyche daw ang nagluto." Nagsitango naman ang mga kaklase namin. Nakahinga ako ng maluwag.

"Magaling ka pala magluto?" Ryder asked me. Ngumiti nalang ako sa kanya at nang tumingin ako kay Eros he's intently looking at me. Nag iwas ako ng tingin.


"You sneaky bitch." Nakangiting saad sa akin ni Belle. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. She was referring to Eros' remarks about my cooking.


"Kunwari ka pang ayaw mo sa mga moves namin yun pala you're making your own plans." Umiiling na sabi ni Iris. We are walking towards the waiting area since underground river ang plano namin ngayon.

"I'm not planning anything. Sofia, Idan and I planned a dinner. May pinuntahan daw sila kasama si Eros nung araw na yun kaya pinasama na din nila si Eros na mag dinner dahil nakakahiya naman daw kung iwan nila since sila ang humingi ng favor." I just hope hindi nila ako mabuking dahil hindi pa naman ako magaling magpalusot sa mga ganito.

Iniwan nila akong dalawa dahil may kakausapin daw kaya hinanap ko ang mga classmates ko. Napatalon pa ako sa gulat nang biglang may humawak sa braso ko.

"You really need to stop drinking coffee." He teased. I rolled my eyes.

"Ikaw tong nang gugulat eh. Hindi ko alam na invited ka. Sino ang naiwan sa kambal?"

"Iniwan ko sila kay manang at sinabihan ko din si Sofia na pumunta sa bahay habang wala tayo para magbantay kay Apollo at Artemis. So you have nothing to worry about."

"Why are you here Eros? Di ba busy kang tao?" Humalukipkip siya at matamang tumingin sa akin.

"I was invited. Besides, I'm not going to sit back while I watch you fall for someone." Napakunot ako dahil sa sinabi niya.

"Psyche!" Lumingon ako at nakita ko si Ryder na papalapit sa amin.

"Speak of the devil and the devil shall appear." I heard Eros mutter pero bago ko pa siya matanong ay nakalapit na sa amin si Ryder.

"Kanina pa kita hinahanap. Sabi kasi nila Belle at Iris iniwan ka nila para hanapin kami kaso ang tagal mo kaya nag alala ako."

"Well you don't have to worry cause I found her first." Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil medyo matagal silang nag titigan. I sighed.

Sabay na kaming tatlo na naglakad papunta kung saan nandoon ang mga kasamahan namin. Eros has this usual bored look on his face while Ryd seemed a little bit pissed off.

"Psyche's here. Lets go bago pa magsidatingan ang maraming tourist." We went to our boat pero napasimangot ako nang hindi tumabi sa akin si Belle at Iris, instead si JLo ang katabi nila so I was stuck with Eros and Ryder na napapagitnaan ako dito sa upuan.

"Girl gusto mo palit tayo ng upuan? Ako nalang ang gigitna sa dalawang yummy na papa. I want to be sandwiched." Saad ni JLo.

"No." Sabay na saad ni Eros at Ryder na nagpatawa kay Belle at Iris habang sumimangot naman si JLo ng pabiro.

Nakarating na kami sa may entrance ng Underground river kung saan maghihintay ang mga turista para sa pila. Pababa na ako ng bangka nang bigla akong madulas pero bago pa ako mahulog naramdaman ko ang dalawang kamay ni Eros sa baywang ko.

"Careful." He said. At ayun nanaman ang puso ko nagrarambol nanaman sa loob ng dibdib ko.

Pano niya nasabing mahuhulog ako sa iba kung sa bawat galaw ko sa kanya palagi ang bagsak ko?

One Stupid MistakeWhere stories live. Discover now