Sa loob ng 9 months ay masasabe ko ng naka move on na ko sa KANYA. Syempre di talaga naging madali sa kin yun pero salamat at nabigyan ako ng mabubuting nilalang na umaagapay sa kin.



(Wow! Ang lalim naman bes! Di ko ba ga maarok! )



Tse! Shut up ka muna dyan!



Napunta ako sa mga understanding na teammates na kahit mga bully ay nandyan pa rin para i-cheer up ako.
At syempre sa BESTFRIEND KO na si Beatriz na pinanindigan ang mga sinabe....ay di pala pinangako sa kin na lageng "nandito lang sa tabe mo si de leon" at "di kita iiwan".
Sobrang blessed ako sa mga 'to kaya naman love na love ko sila eh.



Siniko ako ni bea kaya napatingin tuloy ako sa kanya. Inginuso naman nya sina donya sa kin na kanina pa palang nakatingin din sa kin.



"Tapos na? Tapos ka ng mag daydream dyan?"si donya.



Siguro "meron"sya ngayon. Ang sungit, eh.



( baka naman.... Menopause na! Hahahaha! )



Hala sya! Lagot ka kay donya! Sumbong kita!.... Pero.... Baka nga! HAHAHAHA!



"Ihhh...kase naman donya, antagal tagal ng issue yan. Akala ko ba na gets nyo na."nagkakamot pa ko sa noo ko.



"Di ba nga ipinaliwanag ko na, namen ni beatriz na nagkaintindihan na kame at nagkaroon na kame ng deal neto na stop na namen ang pag aaway at love love love na lang."ako.



"And nahihiya na rin kame sa nyo nila "mommy den" na lageng pumapagitna sa min."singit ni bea.



"Buti na-realize nyo yan 'no?"si jia na panay pa rin ng subo.



"Kala namen forever na kayong ganun."si kim.



"Eh kase nga WALANG FOREVER!"si mich with matching make face pa.



"Ay true!"duet nila jia at kim. Sabayan pa ng tawa nila at pati 'tong si beatriz ay nakitawa na rin.



Napa pout na lang ako. Medyo sensitive topic sa kin kase ang word na FOREVER.
Kaya kapag yan ang topic netong mga kumag na 'to ay medyo iwas ako.
Ayoko ko lang. Ni marinig ayoko.



( NAKA MOVE ON KA NA NGA! Sarcastic yun ha,para naman dama mo, bes! )



LECHE KA!



"Oh, shoot!"si bea.



Napaharap tuloy ako sa kanya."oh, bakit?"



Nagmamadali syang sumubo tas uminom,kumuha sya ng tissue tas nagpunas ng bibig. "Late na ko sa next class ko!"



Ay! Oo nga pala may mga klase pa pala kame! Kung makapagkwentuhan kase eh. Tsk! Tsk! Tsk!



"Sunduin kita mamaya, ha? Sabay tayo punta BEG, okay."malambing sabe neto tas humalik sa noo ko.



"Okay."tipid pero nakangiting sagot ko naman. "Ingat ka, ha."



Nakangiting tumango naman 'to tas tumayo na. Nagpaalam na rin sya sa apat.



"Bye, beh."si bea na nag wave pa sa min.👋



"Oi, ingat ka beh, ha?"inulit ko pa di ba.
Muli syang nag smile pero this time wala na syang mata! Lalo lang sumingkit. CUUUTE!
Pagkatapos nyang gawin yun ay kumaripas na syang tumakbo palabas ng cafeteria.



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now