“Britney stop calling me that!!” angal nung isa. Ayaw na ayaw niyang tawagin siyang PAOPAO kasi hindi na daw siya bata

Kinindatan lang siya ni Paolo sabay alis para umorder.

Mas nauna kami nagkakilala ni Britney kesa kay Paolo, nagkakilala kami ni Britney nung kinder pa kami tapos si Paolo nung grade six na kami.

“So anong plano mo?” tanong ni Britney

“Para?”

“Girl naman! Pagong mode? Edi yung issue niyo ni Mader Dear!!” sabi ni Britney habang nakatingin sa mga mapupula niyang kuko

“Ewan ko ba!! Bahala na nga!”

“Bahala ka baka magsisisi kapag hindi ka gumawa ng paraan!!”

“Wag mo na kasi ipaalala, nakakawalang gana eh!!” >3<

“Edi Goooooo!!”

Ngumiti nalang ako ng may magkamaldita kay Britney.

Maya-maya dumating na si Paolo dala-dala yung mga pagkain namin. Matakaw ako hindi lang halata! :p

Syempre ang paborito ko na Mango Float, LechePlan and Grapes juice. Puro sweets? Kasi dito lang ako nakakakain ng mga sweets at bahay puro gulay naman ang laman ng fridge kaya bahala na! :p

Hindi naman malalaman ni Mama dahil kampi sakin ‘tong dalawang kaibigan ko hehehe.

“C mabubusog ka ba diyan?” tanong ni Paolo na nasa harap namin. Lagi niya yang tinatanong kapag kakain kami sa canteen

“Oo naman Pao kasi ito ang pagkain para sakin!!” yan naman ang lagi kong sagot

“Leave her alone Pao, hayaan mo siyang magka-diabetis!” saway ni Britney sabay ayos sa pagkain niya

Ang arte talaga!

Hindi pa naman lunch pero kapag waiting for class dito kami tambay lagi sa canteen. Kapag hahanapin mo’ko either canteen or library.

Si Britney naman begetable salad, begetable sandwich at fruit juice. Ang healthy noh? Si Paolo naman balance daw kasi beef with gulay ang mga kinakain.

Kahit na magkakaiba ay magkakasundo parin kami.

“OHMY! Nagtweet back sakin si Black!!” bulalas ni Britney kaya nabilaukan kami ni Paolo.

Bigla-bigla kasi magsasalita tapos pasigaw pa. agad naman kaming uminow ng inumin namin ni Paolo

“Britney naman!! Wagas mo!!” reklamo ng makarecover na

“Girl, look si Black nag tweet back!!” sabi niya sabay pakita ng tablet niya. May Mac Tablet kasi siya.

Hindi ko tiningnan yung tablet niya kasi busy ako sa pagkain. :p

“Sino namang Black yan?” si Paolo

“Don’t be jealous Pao, he’s just a friend!” si Britney na kinikilig

BOOK 1: Hired Boyfriend [Kathniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon