“san tayo?“

 

“ikot-ikot lang“

 

“naku, baka mahilo tayo niya ah.”

 

“tatawa na ako?”

 

“kung natatawa ka, edi tumawa ka. Wala naman bayad e.“ Nandito lang kami sa loob ng kotse nya.

“ayus ka lang ba talaga Ands?“

 

“oo naman! Ako pa.“

“okay sabi mo eh. Pero kung naiiyak ka na dyan wag mo na pigilan, ako lang naman ang makakakita eh.“

 

“okay lang nga ako. Tanggap ko na ang lahat, bago pa ako nagdecide na pumunta sa kasal na yon ay tinanggap ko na ang lahat. No bitter feelings ika nga. Masaya na talaga ako para sa kanila, darating din naman yung para sa akin talaga.”

 

“eh paano kung ako yung taong para sa iyo talaga?”

 

“hahahah! Ikaw? Hindi siguro. Ang layo ng taong gusto ko sa ugali mo no.”

 

“aa ganon! humanda ka.” Tapos kiniliti nya ako ng walang tigil. Lakas pa naman ng kiliti ko sa may tagiliran.

“tama na, ayoko na. Hahahahahahahahahaha“ ay salamat tumigil na din sya. iba na naman ang mood ng taong ito.

“ands, ilang araw na ba yung deal naten?”

 

“hmp, I think 2weeks na? at 2weeks na lang tapos na ang kontrata naten. Salamat naman!”

 

“so masaya ka talaga na hindi na tayo magkikita?”

 

“oo naman, hahaha!” nasa deal yun eh, kaya dapat tuparin.

SILENCE

“hatid mo na ako sa bahay. Gusto ko na din magpahinga eh.”

 

“tara.“ Sana laging ganito si Mak, mabait at palatawa.

Nung nasa bahay na ako. Nabigla na lang ako ng madatnan ko sina Mama at Papa sa sala, wala si kuya.

Single For Real But Taken For Granted (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat