SFRBTFG 20* - FINALE

390 7 4
                                    

Chapter *20

Lumabas si Josh, pero teka anong ibig sabihin nito? Hiwalay na agad sila ni Kristine at bumabalik na sya sa akin? Pero di ko na sya kayang tanggapin pa. dahil may mahal na akong iba akong iba and that’s Michael.

“Josh, anong ibig sabihin nito?”

“nagulat ka ba?”

“huh? O-oo! Ano na naman ba to?”

“relax ka lang Ands.”

“anong relax? Josh don’t tell me hiwalay na kayo ni Kristine at nililigawan mo ulit ako.”

“Ands, teka-…”

“and besides hindi na kita mahal Josh, akala ko nga hindi kita kayang kalimutan or pagpalit pero nakaya ko dahil sa kanya.”

“Ands, makinig ka-…”

“hindi ako makikinig, tumigil ka na Josh.”

“ang kulit mo. Makinig ka nga, may nagpatulong lang sa akin at hindi kami hiwalay ni Kristine.” Hinawakan na niya ako sa magkabilang braso.

“nagpatulong?”

“dada ka kasi ng dada girl eh, look oh!” sabay turo sa likod ni Josh and it was Mak standing and holding some…bondpapers???

Ng itaas nya ung unang paper, nakasulat lang don na.

I MISS YOU PARROT

So nilubos lubos niya talaga ang pagtawag sa akin ng parrot ganon? loko to ah. Pero kinikilig ako. Hahaha

Second  – CAN

Third – I

Fourth – COURT

Fifth – YOU

Sixth – FOREVER?

Seventh – (arrow going up)

(isa isa nya po pinapakita yan ha? Isipin mo na lang kung sabay sabay yan, edi nahirapan siya.)

Pagtingin ko sa itaas sa may helicopter ibinaba nila ang isang banner at nakasulat doon ay ‘COS I’M DEEPLY INLOVE WITH YOU ANDREA”

Nang tingnan ko si Mak, nakangiti lang sya sa akin. May hawak na din syang bouquet of pink roses at papalapit ng papalapit sa akin.

“anong kalokohan ito aber?” pero sa kailalaiman ng puso ko eh kinikilig ako. Hahaha

“hmm, sa palagay mo kalokohan ko lang ito?“

“oo! Umalis ka man lang ng hindi nagpapaalam. Alam mo bang sobra akong nag-alala sa iyo. Oo alam ko may kasunduan tayo na kalimutan ang isat isa pero sana naman diba nagpaalam ka na aalis kana? Para naman hindi ako nag-aalala sa iyo.“

“sorry na. Di ko kasi kayang magpaalam sayo at iwan ka.“

“kaya ba minabuti mo na lng na umalis ka basta basta? Ganon? ang sakit kaya. Di ko alam kung ayus ka lang ba. Kung na kidnap ka na o na hold-up or worst minasaccre.”

“tama na. Pinapahalata mo naman na miss mo ako eh.”

“che! Hindi kita namiss no.“

“hindi ba?“ -___-

“hindi kita Miss, kase Miss na Miss kita mak! Miss ko yang pangit mong itsura alam mo ba yon?”

“namiss din kita Ands” sabay pisil sa ilong ko at niyakap ako.

“I love you Ands, umpisa pa lang, minahal na kita.” Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

„“late ko ng naramdaman to Mak, pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Mahal din kita. Dahil halos mabaliw ako nung iwan mo ako ng ganun na lang.“

“sorry kung pinag-alala kita. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa iyo kaya kumuha muna ako ng lakas ng loob at nagisip ng magandang paraan para makapagtapat sa iyo.“

“pero bat kay josh ka humingi ng tulong?”

“dahil kilalang kilala ka nya Ands, pero sana dumating din yung oras na ako ang mas higit na nakakakilala sa iyo higit kanino man.”

“darating din tayo dyan Mak“ ^____^

END~

Guys, wala ng Epilogue ha? Di ko alam gumawa nun eh. Hahaha! Basta kayo na bahala mag-isip ng ending nila.

Anyway TAPOS ko na siya. THANK YOU SA LAHAT NG NAGBASA. GODBLESS :)

Pakiabangan new story ko ha? Mwa:*

/forgetaboutme :3

🎉 Tapos mo nang basahin ang Single For Real But Taken For Granted (Completed) 🎉
Single For Real But Taken For Granted (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon