Marahas niya akong nilayo kay Karen. Natulala ako ng basta niya lang akong iniwan at dinaluhan si Karen. Matalim niya akong tiningnan pagkatapos niyang tingnan ang dumudugong labi ni Karen.

“What did you do?!” Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa ginawa niya. What the fuck? Did he just yell at me? Sinigawan niya ako dahil sa ginawa ko kay Karen?!

I composed myself while crossing my arms. “Uhm, slapping your fake childhood friend, I guess?” Sarkastiko kong sabi.

Narinig kong humikbi na naman si Karen sa tabi niya. Urgh! What a great actress! Gusto ko siyang sabunotan na naman!

“Don’t even think about hurting her again!” Nalaglag ang panga ko dahil sa pagsigaw na naman ni Nate sa’kin. Hindi ko mapigilan ang magtampo.

He was mad because he thinks that I’m being immature again. Galit siya sa’kin dahil wala siyang alam at ibang pinaniniwalaan kundi ang kasinungalingan na sinabi ni Karen sa kanya. Napaatras ako nang makita kung paano niya daluhan si Karen. Umiiyak parin si Karen and I’m starting to feel na nasasaktan nga talaga siya. Alam ko sa sarili ko kung gaano kabigat ang mga kamay ko. Isang dapo ng sampal lang ay parang mabibingi ka na dahil sa sobrang sakit.

“Hey, baby.. it’s okay. Ssshh..” Alog niya kay Karen. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ang sakit naman yata? That endearment was supposed to be mine pero walang alinlangan lang niyang sinabi yun kay Karen.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at unti unti nang napaatras. Ang alam ko lang ngayon ay gusto ko nang umalis sa condo ni Nate. Ayokong makita pangyayaring yun. It’s as if madali lang para sa kanya ang ipamigay na endearment na ‘yun.

I know it’s very childish to think pero napakahalaga parin sa’kin ang lahat ng mga bagay na galing kay Nate! Mula sa simpleng gestures niya hanggang sa pananalita niya. Pero bakit ngayon pakiramdam ko ay ako lang nagpapahalaga? I bit my lower lip as I reached for the door knob. Lalabas na sana ako nang maramdaman ko ang mga kamay ni Nate sa braso ko.

Nilingon ko siya at agad nag-iwas ng tingin. Nagulat ako nang ikulong niya ang pisngi ko sa mga palad niya. I tried so hard to avoid his gaze pero hinahanap niya talaga ang mga mata ko.

“Hindi ko nagustohan ang ginawa mo, Kareeza.” Suminghap ako at nag-iwas na naman tingin.

Hindi na ako kumibo sa sinabi niya. “Uuwi na ako, Nate. Just call me when you need me.” Pabulong kong sabi. I heard him sigh out of frustration.

“Okay.” Pasimple niyang sabi at binitawan ang pisngi ko.

Mangiyak ngiyak ko siyang tiningnan na nakatalikod na ngayon at tinungo ang living room ng unit niya. Bakit parang ibang tao ang kaharap ko ngayon? Bakit parang hindi ko maramdaman ang Nate na mahal ako at mahal ko? Parang piniga ang puso ko sa ginawa niya. I shook my head. Ganoon lang ba ako kadaling bitawan?

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at umalis na unit ni Nate. Ang bagal ng lakad ko at kahit nagmumukha na akong tanga sa ibang tenant doon ay wala akong pakialam. Gusto ko lang ilabas ang dismaya sa loob ko. Kasi kung pababayaan ko lang ito ay baka sumabog nalang ako bigla.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now