Chapter 6

1 0 0
                                    


Live Show...

Hinubad ni Aries ng sapilitan ang suot na t-shirt ng dalaga at inalis ang bra nitong nakatakip sa naghuhumindig niyang dibdib. Mabilis naman ang mga kamay na tinakpan iyon ni Dulce ngunit hinawi lamang ng lalaki at hinawakan sa gilid ng kanyang ulo saka malayang dinaluhong ang mga umbok nito.

"Ahhh!Huwaagg!" sigaw nya nang maramdaman ang mga labi ng lalaking pinaglalaruan at kinakagat ang kanyang utong. Tuluyan na syang napahagulgol sa kawalan ng lakas. Wala syang ibang gustong umangkin sa kanyang katawan kundi si Christian lamang. Si Christian lang ang nagmamay-ari sa kanya.

Huhubarin na lamang nito ang suot nyang jeans nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi nagpaawat si Aries ngunit nang marinig ang sinabi ng tauhan nito ay biglang napatigil at tiim-bagang tumayo.

"Boss andito si Maam Jackie. Kadarating lang!".

Mabilis pa sa alas kuwatrong lumabas ng silid si Aries. Hinila naman ni Dulce ang kumot at ibinalabal sa katawan habang nanatiling nakahiga sa kama. Naubos na yata ang buong lakas nya at hindi nya na magawang maigalaw ang katawan.

Nasa ganoong posisyon sya nang pumasok ang isang babae kasunod si Aries. Maganda ito at mukhang sopistikada. Puno ng alahas ang katawan, matangkad at maputi. Pinasadahan sya nito ng tingin bago bumaling kay Aries.

"Anong ginawa mo sa kanya? Umandar na naman ba yang kamanyakan mo?" taas-kilay nitong wika.

Napahilamos ang binata sa mukha at nang walang maisagot ay sinampal sya ng babae.

"Hindi ka pa ba kuntento sa akin? Hindi ba't sinabi ko sayong sa akin lang dapat tumayo yan?" itinuro ng babae ang gitna ng hita ni Aries.

Napabuga ito ng hangin at tumingala ngunit mabilis syang nilapitan ni Jackie at sinunggaban ang kanyang pagkalalaki dahilan upang mapapikit ito.

"Nakaraos na ba?" may himig pagbabanta sa boses ng babae. Sunod- sunod na iling ang ginawa ni Aries.

"Pwes, parausin natin."

Nakapikit si Dulce  ngunit lihim pa ring nakamata sa kanila habang tinatanggal ni Jackie ang bestidang suot. Nalaglag iyon sa sahig at pagkatapos ay parang uhaw na sinalubong ni Aries ang mga labi nito.

"Just tell if you want it. Whenever or wherever. You dont have to do it with others Aries, you know that. I can fill your desire, more than enough", narinig niyang ungol ni Jackie sa kabila ng mga halik nito. Tinanggal nito ng mabilis ang t-shirt ng lalaki ng walang pag-aalinlangang naroon sya.

Hinuhubad na ni Jackie ang belt ni Aries samantalang abala naman ito sa kanyang dibdib. Nakapikit si Dulce ngunit sadyang nakakabagabag ang kanilang mga ungol na puno ng pagnanasa. They're making a live show!

Hindi alam ni Dulce kung paano nya natagalan ang tagpong iyon ngunit nanatili lamang syang nakabalabal ng kumot sa kama habang nagpapalitan ng ungol ang dalawa sa pagpapadama ng mainit nilang pagniniig sa carpet ng kwartong iyon. Matagal bago humupa ang ingay at panandaliang tumahimik ang paligid.

"Sa susunod, ayokong pumunta ka rito nang hindi ako kasama", narinig nyang wika ni Jackie.

"Jackie, wala ka bang tiwala sakin?"

Natawa ng pagak ang babae. Nanatiling nakapikit si Dulce habang matamang nakikinig sa usapan ng dalawa. Mas mabuting isipin ng mga itong nakaidlip na sya.

"Kaya nga ako nandito eh, dahil wala akong tiwala sayo. Kita mo na, kung hindi ako dumating gumawa ka na naman ng kabulastugan!"

Bumuntong-hininga si Aries at nagsuot ng damit. Sumunod naman sa kanya ang babae at nagsindi pa ng sigarilyo.

"Hanggang kelan mo ba balak itingga ang babaeng yan dito?"

"Tawagan mo muna si Christian at sabihing nasa iyo ang nobya nya. Tiyak uuwi kaagad yun. Saka mo sya piliting pumirma sa mga papeles na pinagawa mo."

"Ang tanong, pipirma naman kaya yun? At anong plano mo pagkatapos? Pakakawalan mo na to?" inginuso no Jackie si Dulce na walang katinag-tinag sa higaan.

"Hindi ako tanga Jackie! Pagkatapos kong makuha ang Arcangel Holdings at lahat ng pag-aari ng mga Arcangel, papatayin ko si Christian kasama ang babaeng yan!"

Sukat sa narinig ay lihim na nanginig si Dulce. Papatayin sya ni Aries! Papatayin nila si Christian! Pero bakit? Kung pera ang pag-uusapan, siguradong may mana rin itong makukuha dahil dalawa silang anak nina Don Franco at Donya Asuncion. Pero naalala nya bigla ang sinabi ni Aries kanina lang, na hindi nito kapatid si Christian. Pero paano? Halos lahat ng tao alam na sya ang panganay na anak ng mga Arcangel at sya ang susunod na magiging presidente ng kompanya!

Napamulat sya nang marinig ang walang ingat na pagsara ng pinto sabay lock niyon sa labas. Mabilis syang tumayo at inayos ang sarili.

"Diyos ko po, anong gagawin ko?" naiiyak nyang usal habang nakaupo sa gilid ng kama. Lumapit sya sa nakitang bintana ngunit may mga harang na bakal iyon. Wala syang ibang daanan palabas kundi ang pinto lang. Idinikit nya rito ang tenga nang makarinig ng di mawawaang mga salita ngunit bigla din iyong nawala at ilang saglit pa ay nakarinig sya ng ugong ng sasakyan. Umalis na sina Aries at iniwan sya sa mga tauhan nitong parang goons ang mga mukha.

Nakatayo pa rin sya nang tumunog ang kanyang tyan. Nagugutom sya. Saka nya lamang naalala na hindi pa pala sya nakakapag-agahan at maging pananghalian ay wala. Maggagabi na at ngayon lang sya nakaramdam ng kumakalam na sikmura. Para namang sagot sa kanyang iniisip ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki dahilan upang dagli syang mapaatras. Natatandaan nyang ito ang katabi nya kanina sa van, malapit sa pinto. May dala itong tray ng pagkain.

Maliit na kanin, isang pirasong isda at isang hiwang mangga. Para lamang syang nirarasyunan ng pagkain sa isang ospital. Nang lumabas ito ay saka lamang sya mabilis na kumain. Mas makakapag-isip sya ng maayos kung paano makakalabas  kapag may laman ang kanyang tiyan. Habang kumakain ay naririnig nya ang tawanan ng mga lalaki sa labas. Tila nagkakasiyahan ang mga ito at sunod-sunod ang naririnig nyang kalansing ng baso palatandaan na umiinom ang mga ito.

"Tiba-tiba tayo ngayon pre! Malaking pera ang pambunos ni Boss Aries. Mukhang malaking isda yung pinadali sa atin."

Narinig ni Dulce ang pagtawa ng nagsalita.

"Girlfriend yun ng kapatid nya hindi nyo ba alam? Aagawin ata,hahaha! Sabagay maganda naman kasi ubod pa ng kinis! Kita nyo kanina parang hindi makapaghintay si boss. Sa sasakyan pa lang aaraduhin na!"

Napapikit ang dalaga sa mga narinig. Hindi nya kayang babuyin ng sinuman ang katawan nya. Mamamatay muna sya. Total ay papatayin din naman lang  pala sila ni Aries sa huli, mas mabuti nang gumawa muna sya ng paraan. Bahala na!

Enough With A Thousand LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon