Chapter 3

0 0 0
                                    


Panaginip...

Kinaumagahan ay maagang
hinatid ni Christian si Dulce sa opisina nito. Dadaanan nya pa ang ibang kasama sa ospital kaya nagdala sya ng driver para maibalik ang sasakyan matapos silang maihatid sa airport.

"Mag-iingat ka dun ha? Tawagan mo ako lagi kapag hindi ka na busy", bilin ni Dulce sa lalaki. Binigyan nya ito ng mahigpit na yakap.

"Always. Alam mo namang hindi ako nakakatulog kapag hindi naririnig ang boses mo diba?" Hinawakan nito ang kanyang labi at hinalikan.

"Sige na babe, baka biglang magbago ang isip ko at hindi na ako umalis sa tabi mo", pilyong ngiti nito na sinuklian nya naman ng malambing na hampas.

Nang makalabas ang binata sa kanyang opisina ay saka lamang nakaramdam ng panghihina si Dulce. Napahinga sya ng malalim. Heto na naman sya sa malalim na pag-iisip. Ilang araw nang parang ayaw nyang mawaglit ito sa kanyang isip. Kaya nga sya mismo ang nagmamadaling pumunta sa condo nito noong nagdaang araw dahil may kung anong tumutulak sa kanya para puntahan ito. Gusto nyang lagi itong makasama at nasa abot lamang ng kanyang tanaw. Unlike those days na boses lang nito sa phone, ok na. Napailing sya sa sarili. Kailangan nya itong kontrolin bago pa makaapekto sa relasyon nila ni Christian. Baka isipin nitong masyado na syang nagiging mahigpit o pinapakialaman nya na ang freedom nito.

Nilibang nya na lamang ang sarili sa pagsasalansan ng mga papel na nasa kanyang mesa at ini-arrange iyon sa drawer. Panghuling drawer na ang kanyang inaayos nang tumunog ang kanyang cp.

"Hello babe, andito na kami sa airport", boses ni Christian. "Kumain ka na ba?"

"Mamaya pa, tatapusin ko lang tung ginagawa ko."

"What? Anong oras na ah. Bakit hindi ka na lang nag-order at nagpahatid dyan? Surely you don't want me to come back there and eat with you now, right?"

"Oh, come on Christian. Hindi na po ako bata", nakangiti nyang wika na tila nakikinita na ang masungit na mukha ng nobyo. Ngunit maging sya ay nagulat din nang makita na alas nuwebe na pala base sa suot nyang wristwatch.

"Ayokong pinapabayaan mo ang sarili mo while I'm away. Sige na kumain ka na. Magboboard na kami, I'll check on you later pagdating namin sa Davao airport."

Matapos magpaalaman ay pinindot ni Dulce ang intercom. Nagpaorder sya sa sekretaryang si Tracy ng magaan lang namang breakfast para sa araw na iyon. Nakakawalang gana ang isiping wala sa tabi nya ang binata ngayon.

Alas otso ng gabi nang makauwi sya sa condo at kakatawag lang din ni Christian upang siguraduhing nakauwi na sya. Nagbilin pa itong huwag kaligtaang magdinner. Panay naman ang oo nya kahit ang totoo, taliwas iyon sa nararamdaman. Gusto nya na lang mahiga sa kama at iimagine na si Christian ang mga unang kayakap nya. Hindi sya sanay sa ganoong ambience ng lugar dahil hindi nya ugaling magstay doon nang wala ang nobyo.

Matapos mailock ang pinto ay nagtungo sya sa banyo upang magbabad sa bathtub. Malaking tulong ang maligamgam na tubig sa buong araw nyang stress sa opisina. Nagtimpla lamang sya ng gatas salungat sa ibinilin ng binata at dumiretso na sa pagkakahiga. Nasa side table ang kanyang cp at dim na ang light na nagmumula sa lampshade. Gusto nya pang isipin si Christian, paulit-ulit na balikan ang kanilang mga plano ngunit ang katahimikan sa paligid at ang pagod na katawan ng dalaga ang unti-unting humila sa kanyang mga mata hanggang ito ay mapapikit.

Ngunit sa kabila ng kadiliman ay kasalukuyan pa ring naglalakbay ang kanyang diwa.

Nakita nya sa kawalan ang mga paang nag-uunahan. Isang pares ng paa ang nauna habang sinusundan ng tatlo pang pares na mas mabilis. Isang malakas na tili ang kanyang narinig, nakakabingi. Mula sa kadiliman ay nakita nya ang unti_unting pagliwanag ng mukha ni Christian.

"Christian!" banggit nya at agad itong niyakap ng mahigpit. Ngunit naramdaman nyang tila tuod itong nakatayo lamang sa kanyang harapan.

"Christian hindi mo ba ako namimiss?" hinawakan nya ang pisngi nito ngunit walang ekspresyon lamang iyon na nakatitig sa kanya.

"Sino ka?" sa wakas ay wika nito.

"Christian anong sinasabi mo babe?"

"Sino ka! Hindi kita kilala!" paulit-ulit na umalingawngaw sa kanyang pandinig. Naninikip ang kanyang dibdib at habol ang hiningang nagising habang gabutil ang pawis. Napasulyap kaagad sya sa orasang nasa dingding. Alas tres ng madaling araw!

Kinuha nya ang cellphone at tinignan kung may message iyon ngunit wala. Tiyak na mahimbing ang tulog ng binata. Nasapo nya ang pawisang noo saka bumaba sa kama at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Anong klaseng panaginip iyon? Mayroon ba iyong nais ipahiwatig? Napailing sya sa naisip.

"Hindi, panaginip lang iyon. Walang katuturan." Kumbinsi nya sa sarili bago muling nahiga ngunit hindi na sya makatulog.

Enough With A Thousand LiesWhere stories live. Discover now