Chapter 5

0 0 0
                                    


Pikit-mata...

Nag-igting ang panga ni Dulce sa sinabi ni Aries.

"Anong gusto mong gawin ni Christian? Walanghiya ka, sarili mong kapatid!" Sigaw nya sa kabila ng kabang nadarama.

"Hindi ko sya kapatid! You shut up your mouth! Sumunod ka na lang sa gusto ko kung ayaw mong mapahamak!" Ganting sigaw nito.

"What? Anong ibig mong sabihin na hindi mo kapatid si Christian?"

"Hindi mo na dapat malaman pa. Ngayon lumabas ka na ngunit huwag na huwag kang gagawa ng bagay na ikagagalit ko. May mga tauhan pa akong naghihintay sa baba kaya kung iniisip mong tumakas at lansihin ako, maghunos-dili ka na."

Itinulak sya ng isang lalaki papunta sa pinto.

"Huwag kang lilingon, Dulce. Diretso lang ang lakad. Huwag mong kalilimutang nakasunod kami sayo" nakangisi na namang turan ng binata bago sila lumabas ng silid.

Pagdating sa baba ay iginiya sya ng isa pang lalaki patungo sa carpark., kung saan naroon ang isang kulay pulang van. Pagpasok sa loob ay naroon na si Aries, nakaupo at pinagitnaan sya nito at ng isa pang lalaki sa gilid ng pinto.

"Saan tayo pupunta? Saan nyo ako dadalhin?" rumihestro na ang takot sa kanyang mukha.

"Huwag kang maraming tanong. Ayoko ng babaeng maingay dahil madaling marindi ang tenga ko. Siguro naman, naiintindihan mo ang ibig kong sabihin?" Ipinakita pa nito ang baril na ibinigay ng lalaking nasa unahan na syang magmamaneho.

Tumahimik na lamang sya at nakiramdam nang umusad ang sasakyan. Isang oras ang nakalipas ay napansin nyang palabas na sila ng Maynila. Nawawala na ang matatayog na building at pawang taniman at matataas na punongkahoy na lamang ang kanyang nakikita. Wala nang masyadong kabahayan at kung meron man ay gawa iyon sa pawod at kahoy. Makalipas pa ang isang oras ay nakaramdam sya ng pagod at unti-unting napapikit.

Hindi nya alam kung gaano sya katagal naidlip. Ngunit nagising na lamang ang kanyang diwa nang maramdamang may mga kamay na gumagapang at pumipisil sa kanyang dibdib. Napabalikwas sya at nabigla nang makita si Aries.  Buong lakas nya itong itinulak  at isang sampal ang pinakawalan nya sa mukha nito.  Isang marahas na halik naman ang iginanti nito sa kanya bago sya isinalya sa upuan. Malalakas ang paghingang tinitigan nya ito. Kung nakamamatay nga lamang ang titig, sana ay bumulagta na ang lalaki kanina pa.

"Hayop!" sigaw nya habang inaayos ang suot na pang-itaas. Dalawa na lang sila sa upuan ngayon dahil ang isang lalaki ay tumabi sa harapan.

"Whatever lady! I bet magaling mag-alaga si Christian pero you know what? Mas magaling ako sa kama kesa kanya", bulong nito sa kanyang tenga na lubusang nagpatayo sa kanyang mga balahibo. Nandidiri sya sa bawat dantay nito sa kanyang balat kaya pinilit nyang dumikit hanggang sa pinakadulo ng upuan para lamang makalayo dito. Mahaba pa ang kanilang byahe ngunit pinilit nya ang sariling hindi na muling makaidlip sa takot na pagsamantalahan na  naman sya ni Aries.

Mag-aalas kuwatro ng hapon nang pumasok ang van sa isang mataas na gate. Malawak ang looban niyon na nakita niyang may iilang tanim ng punongkahoy tulad ng mangga at molave. Sa dulo ay isang lumang bahay na gawa sa semento. Wala itong pintora maliban sa kulay pulang bubong.

"Baba" utos ni Aries nang pumarada ang van. Dahan dahan syang bumaba habang pinag-aaralan ang paligid. Base sa nadaanan nila kanina ay walang gaanong bahay sa paligid. Merong iilan ngunit malalayo ang agwat at ang iba ay tila wala pang tao. Liblib ang lugar na ito na hindi nya alam kung saan.

Mabilis syang hinila ni Aries papasok sa bahay at dinala sa isang kwarto bago iyon nilock. Nakita nyang hinubad nito ang suot na jacket habang papalapit. Patuloy naman sya sa pag-atras hanggang sa masukol sya sa gilid ng kama. Nagngiting aso si Aries habang inaabot ang kanyang pisngi at sininghot- singhot ang kanyang leeg.

"Layuan mo ako hayop ka!" tulak nya rito ngunit hindi naging sapat ang kanyang lakas at lalo lamang sya nitong hinapit palapit.

"Huwag ka nang pumalag. Wala ka rin namang magagawa. Sumigaw ka man, mawawala lamang sa hangin ang boses mo. Huwag kang mag-alala paliligayahin naman kita, pero sisiguruhin ko ring mababaliw si Christian sa kakahanap sayo!"

"Ahhh! Bitiwan mo ako! Walang-hiya ka! Hayop!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanya bago sya nito ibinuwal sa kama. Tumulo ang kanyang luha sa kawalang pag-asa habang unti-unting hinahalikan ni Aries ang kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Ipinasok nito ang kamay sa suot niyang T-shirt at ini unhook ang kanyang bra upang malayang makagalaw ang mga palad nitong pumipisil sa kanyang umbok.

"Christian. I'm sorry" bulong nito sa isip sa kabila ng mga hikbi.

Nanginginig ang kanyang katawan at matiim na nakapikit ang mga mata sa pandidiri sa mahalay na ginagawa ng lalaki sa kanyang katawan.

Enough With A Thousand LiesМесто, где живут истории. Откройте их для себя