+ special 2

106 11 5
                                    


Di mapakali halos si Noelle habang nakatingin sa may labas ng bus na sinakyan niya. Pero di niya pinapahalata, medyo kalmado pa siya sa state na 'to kasi familiar pa naman siya sa lugar.

Pero shet.

Kinalikot niya naman yung phone niya. At agad na tinawagan si Hoshi.

-

Hoshi Kwon

Calling...

-

*ring ding dong ring diggy ding*

-

Elle Lee

Incoming call...

-

Decline | Accept

-

"Kuya, namali ako ng sakay. Di ko alam pabalik—"

"Na'san ka?" Tanong sa kabilang linya, iba boses?

"W-woozi?"

"Alam mo ba yung place?"

Sinilip niya naman yung labas. "O-oo... Sa may papuntang Plaza."

"Sige, bumaba ka na dyan. Malapit dyan yung 7/11."

"..."

"..."

"Nakita mo?"

"Hhm..hmm... Jihoon..."

"Hintayin mo ako dyan"

"Teka, ba't pala nasa'yo phone ni Soonyoung?"

"Naiwan niya kasi, nagcharge pa man din yun dito sa convenience store." Rinig na palabas ng pinto si Jihoon.

"A-ahh... okay..."

"Saglit lang, Elle. Malapit lang din naman dyan kung na'san ako."

"Okay..."

"Kalma ka lang ha?"

Napalunok naman si Noelle, taking a deep breath. Kalmado naman talaga siya pero may onting trace of nervousness.

Palubog na kasi yung araw...

"Elle?" Narinig niya boses ni Jihoon. Meron pa pala sa kabilang linya.

"Po...?"

"Noelle, okay ka naman?"

"I'm fine naman, Jihoon." Shaky yung voice niya pero nakakangiti na siya kahit papaano. Di talaga tulad ng kanina.

"Hmmm..."

"..."

"Naambon. Pumasok ka na lang dyan baka rin kasi maano ka."

"Hihintayin kita."






Agad na napatayo si Noelle nang maaninagan niya si Jihoon sa may labas, halatang tumakbo pa 'to. Gabi na rin kasi halos nung makarating si Jihoon.

Pero nakuha niya pang salubungin ito ng ngiti, parang di naligaw, eh. Nataken aback naman 'to si Jihoon kasi napayakap na rin si Noelle sa kanya. Di pa talaga siya pinatapos sa naramdaman niyang kaba at pagod ng babaeng 'to, ha.

"Natuto na talaga ako, oppa. Ayoko na." Jihoon felt Noelle bury herself in his arms. At tanging pag-pat sa ulo ang nagawa ni Jihoon.

"Ayan kasi, pero 'wag mo na ulit 'tong gawin ha?"

Napatungo naman si Jihoon, placing his chin on her head. "Nag-alala pa kasi ako sa'yo."

"Ginusto ko bang maligaw ako?" Napatingala na si Noelle sa kanya.

"Ewan ko sa'yo." Hinimas niya naman ang buhok nito. "Sasabayan na talaga kita sa pag-uwi para di na 'to mangyari. Okay?"

"Sorry na kasi..."

Bumitaw naman sila sa isa't isa. "Tara na, gusto mo kumain?"

"Hala, nakakahiya na ngang inabala na kita tas—"

"Nako, alam kong nagutom ka dahil dun." Natawa na lang din siya dito, nilahad niya naman ang kamay niya. "Tara na, Elle."

Noelle shyly takes his hand. "Thank you pala, Jihoon."

"If it's for you... it's okay." He said, smiling back at her.


//


a/n: this was around the time na nililigawan pa lang siya ni Jihoon hehe


— mae

Koya || l.jh ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ