09. {n.}

296 17 0
                                    


W O O Z I ' s

"Room 317... 317... 317..." Kanina ko pa talaga napapansin yung isang estudyante na palakad-lakad sa may corridor ng college building. Pansin rin kasi ang tahimik pa sa campus at rinig na rinig ko yung mga yapak niya. Akala ko nga rin naliligaw siya, kaso napansin ko na pang senior high yung uniform niya...

Sinundan ko lang siya ng lakad hanggang sa tumigil na rin siya sa may Room 317. Nakita ko rin na tumingkayad siya para tingnan yung nasa loob, which is classroom namin.


"Ahm... Excuse me?" Tinapik ko naman yung babae at bigla naman siyang napaatras. Bigla naman siyang napabow sa akin at lumihis kaagad ng tingin.

"Jihoon-sshi..." Yun na lang nasambit niya, namukhaan ko na rin siya pagkatingin ko ng mabuti sa kanya.

"May hinahanap ka ba, Noelle?" Nakisilip na rin ako sa may loob... "– Naparito ka?" ... Kitang wala pang ibang tao. Madalas kasi isa ako sa nauunang pumasok, sobrang aga pa naman.

Kita namang namula siya, but she just shook her head. "Ano po... kasi... Dito ba room ni Hoshi?"


Ah, si Soonyoung.


Tumango naman ako. "Mga mamaya pa siguro yun, madalas gabi na rin yun natatapos sa clubs niya. Puyat." Yun na lang rin nasambit ko.

Tumango naman si Noelle.


Papasok na talaga ako para ilagay yung bag ko sa upuan ko pero pansin kong nakatayo at nakasandal pa siya sa may doorframe.

"May kailangan ka pa ba?" Tanong ko naman. Umiling na naman siya pero di ko inakalang ngingiti pa siya sa akin.

Sa inaasahan ko naman na may sasabihin pa siya, nagpaalam na siya at kumaripas na ng takbo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa inaasahan ko naman na may sasabihin pa siya, nagpaalam na siya at kumaripas na ng takbo.


Para saan yun?

Koya || l.jh ✓Where stories live. Discover now