11:43 am
Lee Jihoon
active now
Jihoon: Kumain ka na nga lang dyan.
Jihoon: Matunaw yung kutsara dyan sige ka...
"Ah hala..."
Noelle: Huh?
Jihoon: Kitang kita ka namin dito...
Jihoon: Kanina ka pa nakatulala dyan.
"Saan sila...?"
Seen 11:45 am
Jihoon is typing...
Jihoon: Nasa tapat kaming table.
Jihoon: Ang layo pa ng tingin mo haha
Seen 11:46 am
"..."
Jihoon: Nakita mo na? Hahaha...
Noelle: Jihoon naman eh
Noelle: At far sighted kasi ako hmp.
Jihoon: Sige na, tapusin mo na yan.
Jihoon: Saka ngumiti ka na rin kahit papaano...
Jihoon: Mabuti naman.
Noelle: Ano naman po?
Jihoon: Lately kasi ang lamya mo...
Jihoon is typing...
Jihoon: Alis na kami ha?
Noelle: Sige...
"Kanina niya pa ako pinagmamasdan?—"
"Eto. Baka lang makatulong..."
"Hala, di na po kailangan—"
"Tanggapin mo na. Diba favorite mo yan?"
"..."
"Hmmm? May dumi ba ako sa mukha?"
"Jihoon naman, eh."
"You're welcome."
"..."
Nakuha niya pa talagang ngumiti sa akin. At pumunta pa talaga siya sa may table ko ha. Nagabala rin siya bago tuluyang umalis.
"Matcha."
Di ko na rin maiwasang mapangiti ulit.
Ang cute lang rin nung chocolate...
YOU ARE READING
Koya || l.jh ✓
Short Story» nagkacrush ka na raw dati sa isang noona?❞ • wherein noelle makes kulit and excuses just to talk to her crush, jihoon; // taglish + epistolary svt ff ♡ | ©lemonhae