Chapter 37: So Close

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ang tagal ha," reklamo ni Dan Gab paglabas ko.

"Ayokong lumabas eh! Ang sarap sarap sa loob, tapos bigla kang pumasok."

"Bumalik ka na lang mamaya. Isasayaw pa kita eh," tapos kinuha niya yung kamay ko at pumasok kami sa ballroom. Iniwan ko yung clutch ko sa classmate namin na dinaanan ko saka kami dumiretso sa dance floor.

Party music ang tugtog noon. Pilit kong tinatanggal kung kamay ko sa kamay ni Dan Gab pero mas hinihigpitan niya ang hawak niya sa akin.

"Wag ka ng maduwag Sofia! Sasayaw tayo kung ayaw o gusto mo!" sigaw niya para marinig ko siya.

"Hindi ako marunong sumayaw! Mamaya na lang kapag mabagal na kanta," sumigaw din ako. Mas gusto ko yung mabagal na kanta kasi pasway-sway lang yon.

"Sorry," sabi niyo noong humarap siya sa akin. "Hindi ka ligtas sa party music."

Nagsimulang magsayaw si Dan Gab sa harap ko. Ako naman, nakatayo lang doon, mukhang ewan.

"Sayaw!" Nag-mouth siya. Noong hindi pa din ako gumalaw, kinuha niya yung parehong kamay ko, yung kanan nasa kamay niya, yung kaliwa nakadantay sa balikat niya. Tapos sinayaw sayaw niya kami na parang ewan. Tawa lang ako ng tawa sa ginagawa niya. Kaya nag-loosen up ako at sinabayan na si Dan Gab sa pagsayaw.

Hinawakan niya yung kanang kamay ko tapos tinaas niya. Pinapaikot niya ako? Okay.

Pumasok ako sa arc na gawa ng mga kamay namin tapos ginabayan niya ako sa pag-ikot. Ang hindi ko ine-expect ay ang pagbitaw niya. Kaya dahil sa lakas ng pagkakaikot ko, ang lakas din ng impact ng pagbangga ko sa taong nasa likod ko. Buti na lang nahawakan niya agad ako kundi didiretso ako sa sahig. Humanda sa akin yang Dan Gab na yan.

"Sorry," sabi ko sa nabangga ko. Noong tiningala ko siya, para akong napako sa kinatatayuan ko. "King."

Nakita kong medyo tumaas yung gilid ng labi niya na para bang sinusubukan niyang ngumiti pero hindi niya magawa. "Sofia," tapos pinakita niya sa akin yung palad niya. "May I have this dance?"

Tinitigan ko lang yung palad niya. Inaaya niya akong sumayaw. Part of me wants to say no. Yung part na gustong gusto ng mag-move on. The other part wants to dance with him. Yung part na hanggang ngayon ayaw pa ring bumitaw. Kita niyo kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ko? Gusto ko na ayaw ko. Anong klaseng tao ba naman ang gano'n?

Ako, apparently.

Noong tumingin ako sa mukha niya, nakikita ko yung hope na mapapayag ako. Pero teka, hope? Imposible. Isa pa, pagkatapos ng lahat ng sinabi niya sa akin, bakit siya pa ang nalapit? Akala ko ba ayaw na niya ako sa buhay niya?

Kaya nga dapat ko siyang tanggihan. That will be the best para sa aming dalawa.

No. Nasa dulo na siya ng dila ko. Pero noong sumagot ako, iba ang lumabas. "Yes."

As if on cue, nag-shift yung kanta at naging slow.

Nilagay niya kami sa "slow dance position" ng pagsasayaw pero may malaking distance pa sa pagitan namin. Halata naman na nagkakailangan kami, walang nagsasalita, pareho siguro kaming natatakot na baka kapag may nagsalita sa amin, masira itong moment na ito.

You're in my arms

And all the world is calm

The music playing on for only two

So close together

And when I'm with you

So close to feeling alive

A life goes by

Romantic dreams must die

So I bid mine goodbye and never knew

So close was waiting, waiting here with you

And now forever I know

All that I want is to hold you

So close

Nasabay lang kami sa beat ng kanta. At dahil slow song siya, halos pa-sway lang kami ni King. Pero nagulat ako ng bigla niya na lang akong hinila palapit sa kanya at ipinatong niya ang kanyang baba sa gilid ng ulo ko. Dahil sa action niya na 'yon, yung ulo ko ay nakasandal na sa balikat niya. Pilit na sinasabi ng isip ko na lumayo pero yung katawan ko ayaw gumalaw. Wala itong ibang ginagawa kundi sumunod sa tugtog.

So close to reaching that famous happy ending

Almost believing this one's not pretend

And now you're beside me and look how far we've come

So far, we are, so close.

Inilayo niya ako sa kanya at hinawakan yung baba ko para pantay ang tingin ng mga mata namin. Akala ko sasalubungin niya yung tingin ko na may galit sa mga mata niya pero nagkamali nanaman ako. Dahil habang tinitignan ko siya, hindi ko mabasa ang tingin niya na 'yon.

How could I face the faceless days

If I should lose you now?

We're so close

To reaching that famous happy ending

Almost believing this one's not pretend

Let's go on dreaming for we know we are

Hinawakan niya yung pisngi ko tapos pinunasan yung mga luhang tumutulo doon. Pagkatapos niya gawin iyon, inikot niya yung daliri niya sa buhok na hindi sinama sa tali ko. Hindi ko alam pero dahil sa gesture na 'yon, mas lalong dumami yung luhang umagos mula sa mata ko.

Ayokong nakikita niya akong umiyak kaya tumungo ako. Pagbagsak na pagbagsak ng ulo ko, hinawakan niya agad yung baba ko at itinaas yung tingin ko. Tapos yinakap niya ako ng mahigpit at binulong sa tenga ko, "I'm sorry."

Dahan-dahan siyang humiwalay sa pagkakayakap at naglakad paatras, palayo sa akin.

So close

So close

And still so far

At doon, sa gitna ng dance floor kung saan nagsasayaw ang mga nasa paligid ko, habang nakatingin sa likod niya na unti-unting nawawala, doon ko lang inamin sa sarili ko ang matagal ko ng ipinagkakaila...

Mahal ko siya.

• • • • • • • • • • • •

to be continued...

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon