Chapter 6: Déjà vu

79.4K 1.1K 91
                                    

Chapter 6: Déjà vu

Naasar ako. Bakit ganito? Halos malukot na yung papel na kakakuha ko lang.

Inihampas ko kay King yung papel ko. “Sabi mo sakin tuturuan mo ako! Nung tinuruan mo naman ako, hindi ako nakapasa!”

“Ano ba. Wag ka ngang mag-eskandalo,” tumingin siya sa likod kung saan kasalukuyang tumatambay ang butihing guro namin sa Math. “Sabi ko lang naman na tuturuan kita. Walang guarantee na makakapasa ka. Utak mo iyan eh. Wala na sa akin yung problema.”

Kaasar talaga. Napakaarogante.

“Kiiinggg! Pa’no na ang kinabukasan ko niyan?”

“Aba. Wag ka sa akin magreklamo! Binagsak mo iyang sarili mo!”

“King naman eh!”

Ano ba iyan. Para akong batang nagwawala dito. Nakakaasar. Ang tagal namin sa library kahapon para lang pag-aralan yung topic na ite-test namin ngayon. Bakit ganon? Kapag kasama ko si King na nagsasagot, kuhang kuha ko na? Pero kapag ako na, parang nabura lahat ng napag-aralan ko sa utak ko.

“Uy, King.”

Dedma.

Nagkunwari akong walang pakialam. Tinalikuran ko siya, nagdekwatro, at pinamasdan yung daliri ko. “Alam mo kasi noong isang araw, nakausap ko si Joana. Sabi niya sa akin, may crush siyang isang lalaki. Carl yung pangalan. Pinakitaan niya ako ng picture. Alam mo ba, mas gwapo yung lalaking iyon kesa sa’yo.”

Nakuha ata nito ‘yung atensyon niya. “Mamayang dismissal. Sa library.”

Umikot ako bigla paharap sa kanya. “Talaga?!” Yes! Haha. Ang dali pala nitong mauto basta pagdating kay Joana eh! Okay, may tactics na ako...

Noong uwian na, nagpunta kami sa library kasama si Inna. May plano pakasi kaming gala kaya hihintayin niyang matapos yung “tutorial” ko.

“Sarado,” sabi ni King.

“Oo nga, kaya nga may ‘closed’ na nakalagay diba? Bakit naman kasi ang aga magsara ngayon? Nakaka-bad trip naman.”

Bumulong sa akin si Inna. “Pia, grabe ka namang makasagot kay King. Sa pagkakaalam ko, wala pang sinong taong nagto-talk back sa kanya.”

“Bakit?” bulong ko din. “Sino ba siya? Diyos ba siya, diyos ba? Tao lang din naman siya ah—”

“Pia—”

“Dapat kasi bawas bawasan niya yung pagiging masungit niya para hindi siya pinagbubulong-bulungan ng mga kaklase natin.”

“Sofia—”

“Kahit nga yung mga tao sa ibang section pinag-uusapan siya.”

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon