Chapter 10: Periodic Exams

73.1K 975 54
                                    

Chapter 10: Periodic Exams

“Ayan na yung listahan ng mga equations. I-memorize mo para hindi ko malito. Katulad nito, ax2 + bx…”

Nandito kami ngayon ni King sa library. Sa totoo lang, bored na ako. 5 pm na at malapit nang magsara yung library. Pero kanina pa talaga kami nagre-review dito. Ang sakit na ng utak ko!

Tiningnan ko si King sa harap ko. Absorbed siya sa pagsasalita kung paano i-solve ang ilang equations pero wala talaga akong naririnig. Pero alam kong nakatitig ako. Alam niyo yun? Yung parang alam mo na nakatitig ka pero parang hindi mo maalis yung pagkatitig mo? Ganon yung ginagawa ko ngayon. Pero may kwenta naman ang ginagawa ko. For example, napansin ko nanaman yung pilik mata niya. Legal bang magkaroon ng mahabang pilik mata ang lalaki? Naiinggit tuloy ako. Sana ganon din yung pilikmata ko. Pag hinawakan ko iyon, siguro—

Biglang may tumuktok sa ulo ko. “Nakikinig ka ba?”

“Alam mo,” sinimulan kong sabihin. “gwapo ka eh. Masungit nga lang.”

“So?”

“Wala lang. Hindi lang kita maintindihan. Sobrang sungit mo kasi. Hindi ka katulad ng ibang lalaki. Ah, oo nga pala. Hindi ka nga talaga nila katulad.”

“Alam mo, imbes na problemahin mo ako, i-solve mo na lang itong pinapasagot ko sa ‘yo. Periodic exams na bukas. Concentrate.”

“Yes sir!” nag-salute ako.

At iyon na nga, nilunod ako ni King sa mga math equations. Walang patawad itong lalaking ito. Parang halimaw makapagpa-solve eh.

“Ate!” biglang may sumulpot sa tabi ko.

“Ay!” napasigaw ako. Nagulat talaga ako kay Joana dahil hindi ko ineexpect na lilitaw siya dito sa library. Isa pa sobrang naka-concentrate ako sa problems kaya di ko namamalayan ang nangyayari sa paligid ko.

“Shhhhh!” saway ng librarian.

“Anong ginagawa mo dito, Joana?”

“May hihingin sana akong pabor sa’yo ate.” Hinila niya yung upuan sa tabi ni King at umupo. “Hindi. Mali pala. May hihingiin kaming pabor ni King.”

“Ha? Sige. Ano ba yon?”

“Kasi…” tinignan niya si King. “may date kami ni King sa Sabado.”

“Ano?!?!”

“Shhhhh!!! Miss Quintos, one more noise from you and you’re stepping out. Do you understand?”

Tumango ako. “May date kayo ni King?” napatingin ako kay King. Relaxed lang siya sa kinauupuan niya. Kainis.

“Oo ate. Sa Sabado.”

“Okay. Sige. Mag-date kayo. Yun lang naman pala eh.”

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon