Lesson 2 - Code Name BLUE

871 30 39
                                    

AIGOO~ SALAMAT SA UD NI @AYAKATOMOMI NA INSPIRE ULIT AKONG DUGTUNGAN TOH.. BASAHIN NIYO PO YUNG GAWA NIYANG SWEET DREAMS LALO NUNG YUNG SIDE STORY NI GUITAR FREAK NA SANA AY IPOST NA NIYA HAHAHA.. THANK U SIS! <3 

*****************************************She's My fan girl **************************************

 

SHE'S MY FAN GIRL CHAPTER II

 

Lesson 2 : Code Name BLUE the Burning Element.

Annyeong haseo CN BLUE imnida!!!

"Annyeong haseo. I'm BURNING Lee Jong Hyun! I play lead guitar ang vocals!!" itinaas ko yung feast  ko sabay pose! Haha. Sigawan naman ang mga supportive naming fans, ang mga BOICE na palaging nandyan para suportahan kami. Natawa nalang ako sa mga pinag gagagawa namin, I never get used to this awkward introduction.

" Annyeong haseo. I'm Lovely Kang Ming hyuk. I play the drums." natatawang pakilala din ni Min Hyuk, ginawa din niya yung pose na ginawa ko kanina. Nagkatinginan nalang kami at natawa sa mga itsura namin. Nakaka bingi ang sigawan ng mga fans ni Min Hyuk.

"Annyeong!! I'm Lee Jung Shin with my Untouchable Charms! I'm in charge of the bass.." wala pa din talagang tatalo sa Untouchable charms ni Jung Shin, umaapaw sa charms ang mga ngiti niya. Hahaha! Lalo lang tuloy akong natawa.

"Annyeong !!!  I'm Emotional Jung Yong Hwa, the leader and in charge of lead vocals and guitars! " ahh pero mas malakas pa din yata ang charms ni Hyung sa mga fans, siya pa din ang may pinaka malakas na cheer. Aigoo~ I really have to work harder!

Hindi niyo na maitatanong, kami talaga ang nag isip ng mga code names na yan na bumubuo sa salitang B-L-U-E. Pinag isipan ko ding mabuti ang code name ko. Burning, dahil ako ay Burning with passion! Hahaha. Lalo na pag dating sa guitar. Pero hindi ko talaga maiwasang matawa kapag ginagawa namin ang introduction ng mga code names namin.

Nandito kami ngayon sa launching ng third mini album namin, ang Ear Fun. Ilang buwan din namin itong pinag handaan, at kahit ilang beses na namin itong ginagawa kinakabahan pa din ako. First time naming tutogtugin ng live ang  'Hey You'. We stayed late last night para sa performance ngayon pero pakiramdam ko kulang pa din ako sa practice.

Aigooo~ ang sikip naman nitong vest na suot ko. I really hate wearing tight clothes, mas kinakabahan tuloy ako.

"We have been working so hard for this 3rd Mini Album Ear Fun. At nag papasalamat kami sa lahat ng nandito ngayon at sumuporta. We will now play 'Hey You' " sabi ni Hyung, siya lagi ang incharge sa pag sasalita. Parang hindi manlang siya kinakabahan.

She's My Fan GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon