Chapter 4

52 2 0
                                    

Chapter 4

--ROEE'S POV--

 "Bakit siya nandito?" tanong ko sa sarili ko. "Aaaaaah. Bakit ka pa bumalik? Kung kailan naman nagmo-move-on na ako. Nakakainis ka talaga." kinakausap ko ngayon si Bellee, bigay na stuffed toy ni Abel sa akin. Actually, baboy siya. Bellee, galing sa name naming dalawa ni Abel. Binigay niya ito sa akin before siya makipag-break. Sabi niya kahit anong mangyari, alamin ko muna ang totoo bago ako magalit sa kanya. Kaya 'di ko magawang magalit sa kanya kasi 'di ko alam ang totoo.

*KNOCK KNOCK*

"Anak, may problema ba?" Naku! Siguro narinig ako ni Mama na sumisigaw.

"Okay lang po ako Ma." sabi ko naman.

"Ah, ok. Magsabi ka lang kung meron. Sige baba na ako." sagot ni Mama. Buti na lang. Pero bakit nga ba andito si Abel? Ang alam ko kasi nag-request siya sa pinaka-leader nila na i-base siya sa America. Way of moving on siguro, pero malay natin nagbabakasyon lang siya. 'Naku Roee, 'wag kang ASSUMING!'  Tama. I should not assume things, baka lalo akong masaktan.

-o-o-o-

After 1 week, nagkayayaan uli ang tropa pero this time, wala si Alex. Original barkada lang talaga. Pumunta kami sa MOA. Kakasawa sa SM sa amin eh. Masaya na kami eh, hinihintay na lang yung sunset sa may seaside, pero may panira. Hindi lang ng moment kung hindi araw.

"Hi girls, Long time no see." Sus, nakakainis talaga siya. Sino? Edi si Abel.

"Oh Abel, parang 2 months ago lang kita nakita ah, pero mas pogi ka ngayon." say ni Ampe na parang wala ako doon.

" Syempre, ganun talaga." At ayun, nagtawanan sila. Nice, sirang-sira na araw ko.

"Excuse me, CR lang ako. Medyo sumama pakiramdame ko eh." Habang sinasabi ko iyon ay nakatingin lang ako sa kanya. Tapos umalis na ako. Pumasok uli ako sa MOA tapos nagikot-ikot. Bahala sila doon. Nung na-boring ako sa loob, pumunta ako sa may seaside. Doon sa side na malayo sa kanila. Ayokong palampasin ang sunset no.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Sa tingin mo anong ginagawa natin?  Gusto kong isagot yan sa kanya pero baka masigawan ko lang siya.

"Pag-iisipan ko muna." Sabi ko tapos pinanood na ang sunset. Lumubog na yung araw  at patayo na sana ako pero hinila niya ako papunta sa parking lot.

"Ano ba, bitawan mo nga ako. Baka hinahanap na ako nila Faye." Wala pa rin, hinihila niya pa rin ako. " Abel ano ba!" Wala talaga, hanggang sa makarating na kami sa kotse niya..

"Tumawag sila sa akin kanina, nauna na daw sila kasi hindi ka nila mahanap." Oh right, ang galing talaga nila.

"Roee,  patawarin mo na ako" Sht. Eto na, humihingi na siya ng tawad. Tumalikod ako sa kanya.

"Abel,please, not now." And with that, naglakad na ako paalis na parking lot. Magco-commute na lang ako pauwi. Nakakainis naman sila Mae, alam naman nila na hindi pa ako totally nakakapagmove-on tapos ganto.Teka, parang may sumusunod sa akin, paglingon ko, andun si Abel. 

"Hayaan mo na lang akong ihatid ka sa inyo. Please." Wala na talo na ako, nag-please na siya.

"Fine, but please don't talk to me sa bus." At inunahan ko siya sa pagsakay sa bus. While on the trip, hindi naman niya ako kinausap pero ang awkward kasi katabi ko siya at tingin pa siya ng tingin sa akin. Maya-maya lang *yawn* Naku! wag muna akong antukin please.

"Gusto mong sumandal?" Napansin.

"Ok lang." Pero too late dahil pinatong na niya yung ulo ko sa balikat niya then I fell asleep.

-o-o-o

 The next morning, ang ganda ng gising ko. Puimunta sa banyo and did my morning routines. Pagbaba ko sa Dining Room, ang ingay ata.

"Oh Abel, kain lang ng kain. I'm sure napagod ka dahil kay Roee." Wait lang. Bakit andito pa siya? Shoot, hinatid niya nga pala ako dito kagabi. Pero bakit andito pa siya? Diba dapat umuwi na siya?

"Roee, upo ka na dito. Kain na." sabi ni mommy sa akin.

"Ma, ba't andito pa siya?" tanong ko kaya napatigil sila sa pagkain.

"Roee, hinatid ka niya dito kagabi. Pasan ka niya sa likod niya eh, paano tulog na tulog ka. Kaya dito ko na rin siya pinatulog dahil medyo gabi na nung dumating kayo kagabi."

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na si Abel dahil uuwi na siya. Good, dapat 'wag na siyang bumalik.

"Geh Roee, alis na ako. Next time uli. Bye ^_^" Hindi na lang ako nagsalita at umalis na siya sa harapan ko.

*KRING KRING*

Pagtingin ko sa phone ko. Wow ang galing naman tumawag after akong iwan kahapon.

"Bakit?" bungad ko.

"Ano ba yan girl, bad vibes agad? Gala tayo." Aba't nagyaya pa.

"Hay naku Ampe! Baka iwanan niyo uli ako, ayoko na."

"Sus, hindi naman namin alam na nandun din siya. Promise 'di ka na namin iiwan. Sama ka na, please." Makulit talaga to.

"Sige na, pero pag iniwan niyo uli ako lagot kayo sa akin."

-o-o-o-o-o

Nandito na kami sa SM. Gala mode uli.

"Oh, asan si Faye?" tanong ko sa kanila.

"Susunod na lang daw. Tumutulong pa sa clinic nila eh." sagot ni Cami na mukhang excited.

"Mga babaita, kain muna tayo sa McDo." yaya ko. Ayaw ko na sa Mang Inasal, baka andun na naman siya.

"Okie" sabay-sabay pa.

Habang kumakain kami, biglang nagtanong si Cami.

"Grace." ow-kay. Tinawag niya ako ng 'Grace', seryoso to.

"Bakit?"

" Nakapagdesisyon ka na ba kung saang school ka papasok?" ang totoo niyan wala pa pero...

"Oo, meron na." na-excite sila sa sinabi ko.

"Oh, saan?" si Mae. Sana tama ang desisyon ko.

" Sa Halcyon High." Simula na ng bagong buhay ko.

Behind the SilhouetteWhere stories live. Discover now