Chapter 1

128 4 1
                                    

Roee's POV

"Uy Roee, lipat ka na kasi sa school namin para sama-sama tayong lima tsaka sayang talino, walang challenge kaya hindi na masyadong nagagamit si brain eh."

"Naku Cami, ok lang ako doon sa school namin ngayon, at graduating na tayo next shool year, running for Batch Valedictorian pa naman ako. Sayang din yun."

"Sabagay, pero kapag nagbago isip mo. May 1 month and 2 weeks ka pa para mag-decide. Pero bago yan, bilisan na natin kasi kanina pa naghiintay sila Mae, Faye at Ampe doon sa SM."

Hay, ang kulit talaga nitong babaeng 'to, sabi nang ayaw ko lumipat doon sa school nila eh. Ay! nakalimutan ko, ako nga pala si Lianroe Grace Pangilinan, pero I prefer na Roee ang tawag para cute. Yung kausap ko naman ay si Cami, Carrie Michealle ang buong name at yung mga nasa SM naman ay sina Mae, Ellyream Mae, kakaiba pangalan noh. SI Faye, Faye Nicole, half-american pero dito lumaki sa Pilipinas. At si Ampe, Amethyst Pearl, sa aming lahat siya ang pinaka-masayang tawa. Baliw yan eh. Silang apat ang mga bestfriend ko, alam nila lahat tungkol sa akin dahil certified tsismosa yang mga yan. Si Cami ang matuturing ko na closest bestfriend ko dahil magkapit-bahay lang kami at mas nauna ko siyang nakilala kaysa doon sa tatlo.

---------------

"Roee, Cami. Dito!" Ayun. Sumigaw na si Ampe, ang tagal kasi naming dumating eh.      

"Oh, tara na?" tanong ko, pero bakit hindi pa sila tumatayo? Uh Oh, I smell something.                        

"Roee, wait lang. Hinihintay pa kasi namin si Alex, classmate namin at ang tanging lalake na matyagang sumama sa gala namin sa school." -Cami              

Sabi ko na nga ba may something, ay someone pala na hinihintay. Maya-maya lang dumatting na yung Alex.

"Alex, halika dito" - Mae                                                                                                                                          
Pumunta naman siya sa side namin at teka lang, parang pamilyar 'tong isang to ah. Mukhang napansin nila yung mukha ko kaya nagsalita na si Faye.            

"Uy Roee, baka matunaw si Alex" aba't nagtawanan pa.                  
" Siya si Alex at talagang pamilyar siya kasi lagi mo siyang nakakalaban sa mga contest. Top 1 namin yan. Alex si Roee nga pala. Soon to be our classmate at bestfriend namin."    

" Hi, ikaw pala si Roee, lagi ka nilang kinekwento sa mga kaklase namin dahil iba ka daw sa ibang babae. Ako nga pala si Alex. Alexander Josh Fuentabella." sabi niya sabay abot ng kamay sa akin for a shake hands at inabot ko naman yung kamay niya. In fairness, malambot ang kamay.

"So, saan tayo?" tanong ko dahil inip na inip na ako.

" National, gagawa kasi kami ng poster para sa mga freshmen at transferee sa school namin. Actually si Alex lang talaga pero tutulungan na din namin siya dahil mahilig magkulay si Ampe diba." sabi ni Cami. You read it right. Sa grupo namin, si Ampe ang pinaka-artistic. Ang galing nya mag-oil pastel.                                                                                                                                               "Ah ok, pwede ba tumulong? Bored na kasi talaga ako eh." tanong ko uli.                                                

" Oo naman,, kaya ka nga namin sinama ah." -Mae

Nung nasa National na kami, naghiwa-hiwalay na kami. Ako sa mga fiction books at sila naman sa mga art materials dahil nga gagawa sila ng poster para daw may extra merit. Etong mga 'to, kahit bakasyon napaka Grade Conscious. Nung naboring ako sa mga books, pumunta na ako sa area kung nasaan sila Mae. Teka, bakit prang may nagtatalo? Pagdating ko doon sa kanila, tama ako, may nagtatalo.                                                                                                                                                          
" Miss, ako kasi naunang makakita diyan, kaya ibigay mo na sa akin 'yan." aba si Ampe yun. Naku, hindi maganda 'tong magalit.                                                                                                                   " Excuse me, ikaw ang naunang nakakita pero ako ang unang kumuha, so please back-off." say ni ateng kaagawan ni Ampe. Alam niyo ba kung ano ang pinagtatalunan nila? Oil pastel lang naman. Diba passion ni Ampe ang pago-oil pastel, kaya pagdating sa ganyan war freak yan.                            

" Uy Alex, anong nangyari? Bakit nagtatalo sila?" tanong ko kay alex na nakatayo lang sa gilid. Yung tatlo naman inaawat si Ampe.                                                                                                                              
" Ikaw pala. Eh kasi nung nakita ni Ampe yung oil pastel nagsisigaw ba naman, eh yung babae naman, narinig. Yun din pala yung hinahanap niya na brand. Tapos nung nagtanong kami sa saleslady, last stock na daw. Kaya ayan, nakiki- pag agawan ngayon. Sabi nga namin next time na lang pagdating nung bagong stock kaso ayaw talagang pumayag eh." say ni Alex. Sus naman 'tong si Ampe sigaw na sila ng sigaw.                     

 "Ampe, ano ba yan? Parang oil pastel lang pinag-aagawan. Parang bata. Napaka-immature. Halika na nga?" Tapos hinila ko na siya. Maya-maya, may tumawag sa amin.                                          
" Miss! Teka lang, inyo na 'to. Nagbago na isip ko." Tapos binalik niya kay Ampe yung oil pastel. Eto namang isa, kukunin pa. Tinabig ko nga yung kamay.                                                                                    
" No thanks Miss, mukhang napakahalaga niyan kasi nakikipag-agawan ka pa. Hindi pa naman namin kailangan eh, sa'yo na. 'Wag ka nang mahiya dahil mas nakakahiya yung ginagawa niyo kanina. If you'll excuse us, kakain pa kasi kami eh." sabi ko na nagpa-tameme sa kanya, at tuluyan na kaming lumabas ng national.

" Grabe Roee, ang tapang mo kanina." Sabi ni Faye na ngayon lang nagsalita.                                        

"Oo nga, pero hindi ko nagustuhan yung immature part." eto naman si Ampe, nagkunwari na nasaktan dahil sinabihan ko ng 'immature'. Sanay na ako jan. 'Pag may trouble kasi na involve si Ampe, ako lang ang nakakapigil.                                      

" Guys, Mang Inasal tayo, gutom na ako eh, kailangan ko ng maraming energy." sabi ko.

And we're here. Kaya lang parang gusto ko nang umatras. Napansin naman ako nila Mae.                

" Roee bakit?"  tanong  ni Faye.                                                                                                                            
" Abel..." yun na lang ang nasabi ko at napatingin din sila kay Abel.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

 Sorry po kung may flaws bago lang po kasi eh.. 

Ampe- am-pi

Cami- key-mi

Thank you.. :D

Behind the SilhouetteМесто, где живут истории. Откройте их для себя