Chapter 9 ~ Research Plan

Magsimula sa umpisa
                                        

Ang sinasabi lang naman niya ay nung naginvite kami dati ni Clark, dito ang venue sa bahay namin. At dahil almost half of the class ang pumunta, well nagpillow fight lang naman kami. At parang nasabugan ng bulkang Mayon yung living room dahil puno ng cotton, pag-uwi ni Dad and Mama.

"Yerp, sure Dad. Hindi na yon mangyayari, Haha! I promise."

"Well, see you soon then. Good night sweetie, take care."

"Uh, kayo rin po. Goodnight."

***

8:00 a.m.

     Wheeew ... Nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana. Akala ko late na. Iba nga pala ang schedule ng klase ko ngayon. Mamayang 10:00 pa naman ang first class. Ano bang pwedeng gawin? *ting!*

"Yasmin ikaw pala! Mabuti't naparito ka. Kailangan ka niya ngayon."

"Ah, oo nga po Manang Tonya. Asan na po ba si Chris?"

Napabuntong hininga siya bago magsalita. "Nako, ang batang iyon talaga, hindi ko na alam ang gagawin. Nandon, sa kwarto niya. Mabuti siguro kung damayan mo." si Manang Tonya nga pala ... Kasambahay siya nila Chris. Kagaya ni Manong driver nila Sheyn, siya rin ang pinaka pinagkakatiwalaan. Medyo sinauna rin kung magsalita. -_-

Andito na ko sa tapat ng pintuan ng kwarto niya. Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan .

"Chris?" mukang narinig niya kahit mahina yung pagkasabi ko. Bigla siyang tumalikod at pinunasan ang luha sa muka niya.

"Yasmin, ikaw pala," ngumiti siya sandali. "Anong ginagawa mo dito?"

"Christina? Ano bang nangyayari sayo? Dalawang araw ka nang hindi pumapasok. Sabi pa ni Manang, bihira kang kumain."

"Ha? A-ano ba, sino ba nagsabi niyan? Okay lang ako."

"Hindi ko kaya, ngayon lang kitang nakitang ganyan."  hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa kamang inuupuan niya.

"Alam ko namang si Jake yan. Wala kang kailangang itago saakin. Siya naman talaga diba? Alam kong mas matindi pa sa lungkot ang nararamdaman mo. Pero nung una pa lang, wala na akong tiwala sa kanya. Hindi ka dapat nagkakaganyan dahil lang sa isang walang kwentang bagay. Kaya mo yan, alam kong matapang ka. Ikaw si Christina." napangiti siya sa mga sinabi kong 'yon. Hindi ko lang alam kung 'yon ay dahil tinawag ko siyang Christina. Natatawa kasi siya kapag sinasabi ko yon. Nagulat ako ng niyakap niya ko. Isang mahigpit na yakap...

"I know," naramdaman kong ngumiti siya. " Salamat nandiyan ka, sa oras na pakiramdam ko babagsak na ko. Ngayon ko lang din naisip na sinayang ko ang oras ko, sa mga bagay na wala namang kwenta. And, I promise, hinding hindi ko na ulit gagawin 'yon."

***

LUNCH.

Nandito kami sa favorite spot namin ni Chris sa canteen. At least pumasok din siya matapos ang halos kalahating oras na pahirapan. Kasama namin sila Yna at Marc. Naisip ko lang na isama sila para di masyadong malungkot si Chris. Pansin ko medyo tahimik pa rin siya.

"Guys, anong gusto niyo? Treat ko na."  si Marc, nag offer.

"Wow, si Marc manlilibre. Naka-score yata tayo kay Yna ha?" si Troy bigla na lang dumating

"Wag kang mag-alala hindi ka kasama." banat naman ni Marc.

"Hoy mga hudas, magsitigil nga kayo. Oh, Chris , Yas. Ano bang gusto niyo?" ayan si Nanay Yna. Sungit kasi kaya sa wakas tumigil din. Tutuloy pa yan kung nagkataong di niya inawat.

"Uh, kahit ano na lang." Si Chris

"Yan tayo eh, wag kang magalala Chris, damay kami diyan." sabi ni Yna sabay akbay kay Chris.

Eiffel For You (EDITING/ABANDONED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon